VILLAR: TEKNOLOHIYA ANG KAILANGAN SA PAGSASAKA

Noong Martes , Setyembre 01, 2020, sa opening ceremony sa Senate hearing nabanggit ni Senator Cynthia Villar na teknolohiya ang susi para maging matagumpay ang mga tao sa pagsasaka at hindi ang mga lupa.

Ginawang halimbawa ni Senator Villar sa pagsasaka ang Israel. Kilala ang lugar na napapalibutan ng buhangin at hindi masustansya para sa pagtatanim ng halaman. Ngunit sa kabila ng hindi magandang lupa, ang Israel ay isa pa rin sa mga net exporters sa Middle East.

Sila ang nag-eexport ng mga gulay sa Middle East. “Sa Israel, wala silang lupa. Disyerto sila kaya hina-hang nila ‘yung kanilang mga plant sa air. Wala silang tubig, kasi ang tubig lang nila nanggagaling sa ocean, salty, dini-desalinate nila,” pagsasaad nito.

Naging matunog din ang mga binitawang linya ni Senator Cynthia Villar ng sagutin niya ang mga puna sa negosyo ng kanyang pamilya sa pagbili ng lupang sakahan at gawing mga establisyimento.

Ani ni Senator “Yung sinasabi na huwag daw i-convert ang farmland para magtayo ng bahay at huwag i-convert ang farmland para magtayo ng factory, mali ‘yon,”.

Maraming netizens ang nabigla ngunit hindi na nagulat sa mga binitawang salita na ito ni Senator Cynthia Villar. Sabi ng ilan, ilang beses nang pinatunayan ni Senator Cynthia Villar na isa siyang kapitalista. Hindi ito ang unang beses na binangga ni Senator Cynthia Villar ang industriya ng pagsasaka.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!