APPROVAL RATE NI PRRD TUMAAS!

Sa kabila ng pandemya na kinahaharap ngayon ay nagkaroon ng survey kaugnay sa awareness and performance ratings of top national officials.

Base sa inilabas na report ng Pulse Asia kahapon, tumaas ng apat na porsyento ang approval rate ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kumpara noong nakaraang Disyembre 2019.

Ninety-one percent ang satisfied sa naging performance ni Pangulong Duterte batay sa naging survey nitong September 14-20, 2020. Limang porsyento lamang ang hindi sang-ayon habang 5 porsyento rin ang undecided.

Fifty-seven percent naman ang nakuha ni Vice President Leni Robredo, eighty-four percent naman kay Senate Presidente Vicente Sotto III, ang Speaker of the House of Represenative na si Allan Cayetano ay nakatanggap ng seventy percent at si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ay nakakuha ng forty-four percent.

Source: pulseasia.ph

Samantala, ipinagpasalamat naman ito ng palasyo, sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Atty. Secretary Harry Roque sinabi niya na:

“Ang pangako po talaga ng Presidente gagawin niya ang lahat para makabangon po tayo sa pandemyang ito at isasantabi po talaga niya ang pulitika”

Source: Sec. Harry Roque

Aniya nakikita naman ng taumbayan na ginagawa ng President ang lahat ng maaaring gawin upang mas kakaunting Pilipino ang magkasakit ng Covid-19.

Dagdag pa niya:

“Lahat po ng Pilipino, supporter niya, kalaban niya, iaahon po niya hangga’t maaari sa kahirapan na dinulot ng pandemya. Ang panawagan po ulit ng Presidente sa lahat ng pulitiko isantabi muna natin yan, 2022 pa po yan. Tulungan natin ang ating kababayan.”

Sa naging Address naman ng pangulo na PRRD Talk to the People nangako siya na gagamitin ang pera sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 nang naaayon sa panuntunan.

Source: Office of the Presidential Spokesperson

Nais din ng Pangulo na gawin ng libre ang beep card ito ay matapos magkaroon ng iba’t ibang reklamo kaugnay sa mataas na maintaining balance at presyo ng naturang card.

Source: Office of the Presidential Spokesperson

Source: Pulse Asia