BELA PADILLA IS NOW IN A RELATIONSHIP WITH NORMAN BEN BAY

Ang bagong post ni Bela Padilla sa kanyang Instagram ngayon ang masayang bumungad sa mga fans ng aktres dahil sa puno ng kasweetan ang picture nilya kasama ang isang mystery guy. Ayon sa caption ng kanyang post, sinabi niyang “the one I met in St. Gallen” at nakatagged si Nocir na may buong pangalan na Norman Ben Bay. Nasa Cappadocia, Turkey ang location ng post bi Bela.

Binaha ng heart emojis ang comment section sa post at ang ibang mga comment ay game na sinagot ng aktres. Ang isang post ay tinanong si Bela kung si Ben ba ang na-meet nya sa St. Galen noong nag-shoot siya ng pelikula doon. Sinagot ng aktres ang post at sinabing “yup” with heart emoji. Ang ibang mga sagot ni Bela sa mga comment, gaya ng galing kay Agot Isidro at movie director Tonet Jadaone ay nagkokompirma sa kanyang buhay pag-ibig.

Lalong kinilig ang mga bumati kay Bela sa kanyang new relationship status nang sumali sa comments si Norman Ben Bay at sinabing “Hi Love” with heart emoji! Maging ang pagtatagalog ni Norman Ben Bay ay napansin ng mga supporters ni Bela. Nakibati na rin si Norman sa “Inay at Itay” ni Bela. Pati si Kim Chiu ay napa “Sana All” din sa kilig. Dumagdag pa si Norman na sumasabog na ang phone niya ngayon dahil sa mga natatanggap na mga messages. Dahil bistado na ang new love niya, walang ibang nagawa si Bela kungdi ang pagsagot ng “nabulabog eh.”

Sa isang electronic publishing platform ay makikita ang account ni Ben Bay na may nakalagay na St Gallen, Switzerland bilang address.

Sa kanyang Facebook account naman ay nakasaad na sa Universität St. Gallen (HSG) siya nag-aaral at mula siya sa Basel Switzerland.

Marami ang nag-aantay ngayon na mas makilala pa ang new love ni Bela at malaman ang kwento ng pag-ibig nila. Congratulations for the new love found in St. Gallen, Bela!

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!