DATI STAY AT HOME, NGAYON GO ON VACATION

Tila nag bago na ang battlecry ng ating gobyerno. Kung dati “bahay muna, buhay muna”, ngayon “Ingat buhay para sa hanapbuhay” na.

Sa isang virtual briefing mula sa Boracay nitong weekend, inihayag ni presidential spokesman Harry Roque na para maka recover muli ang Pilipinas mula sa masamang dulot ng pandemya, kailangan buksan na muli ang ekonomiya.  Sabi nito, mag ingat na lamang. Kailangan matuto tayong mabuhay sa gitna ng COVID-19, mag bakasyon subalit sundin ang mga health and safety protocols para maka iwas sa virus.

Hindi maiwasan matanong si secretary Roque kung paano ma reconcile ang pag encourage sa mag tao na mag stay at home sa pag bisita nya sa Boracay.  Iginiit nya na ayon na rin sa pangulong Duterte, kailangan natin mabuhay kahit na may pandemya. Sabi nya ang bagong mensahe ay mula na din sa  advertisement na galing sa  Presidential Communications Operations Office at may suporta ng  IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases),  DOH (Department of Health) at Department of Finance.

Ani Roque, ang “Ingat buhay para sa hanapbuhay” ay thrust ng second national action plan ng National Task Force Against COVID-19.

Matatandaan na sa halos pitong buwan mula ng mag lockdown, dahan dahan na pinayagan ang pag bukas ng ilang negosyo at industria.  Ang transportasyon ay unti unti na din dumadami.  Sa panahon na ito nasanay na din ang mga tao na pag suot ng mask, pag hugas ng kamay at pag maintain ng tamang distansya para makaiwas sa virus.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!