IG POST NI SHAMCEY SUPSUP, PARA BA KAY SANDRA LEMONON?

Trending ngayon ang Instagram story ng Miss Universe National Director na si Shamcey Supsup. Ang IG story kasi ni Shamcey ay tungkol sa pagtanggap ng pagkatalo na siyang issue ngayon sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2020. 

Ilang oras lang matapos ang pageant ay nag-post si Miss Taguig Sandra Lemonon na “The truth always comes out. It’s just about timing. Karma is real” at may ibubunyag daw siyang big news tungkol sa natapos na pageant.

Maraming netizens ang naintriga sa post niyang ito. May mga nakapansin ding in-unfollow niya at ni Miss Universe Philippines 2nd runner-up Michele Gumabao ang nanalong si Miss Iloilo Rabiya Mateo. Naging malapit na magkaibigan ang dalawa throughout the pageant, na kita naman sa post ng dalawa sa kanilang social media accounts.

Samantala, hindi naman pinalagpas ni Shamcey ang post na ito at nagbigay ng kanyang pahayag sa pangyayari. “To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility — these are the marks of a true queen,” isinulat niya sa post.

Agad namang nagpost ulit sa IG story si Sandra, na mukhang sagot sa naunang post ni Shamcey. “Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen but what you forgot to say is that REAL queens Play FAIR don’t CHEAT,” aniya.

Si Miss Taguig City Sandra Lemonon ay natapos sa Top 16. Hindi naman na siya baguhan sa pagsali sa pageant. Sumali siya sa Binibining Pilipinas 2018, kung saan napasali siya sa Top 15, at sa Miss World Philippines 2016, kung saan siya ay tinanghal na 4th runner-up.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!