INA NA MAY ANAK NA PWD NAKATANGGAP NG P100K MULA KAY TULFO

Sa programang Raffy tulfo In Action, laking tuwa ng host at mga staff nang sabihin nito ang nanalo ng P100k na premyo.

Sa ipinakitang video ng programa, ang magkapatid na person with disability o PWD na humihingi ng tulong kay Tulfo ang nanalo.

Taos pusong pasasalamat

Ayon sa Ginang, tinanong ito kung kaano-ano ang dalawang lalaki at ang sabi niya ay mga anak niya ito. Nagkwento ang ginang na siya ay dating OFW at ngayon ay nagtitinda na ng mga almusal sa umaga.

INA NA MAY ANAK NA PWD NAKATANGGAP NG P100K MULA KAY TULFO
Photo Credit: Raffy Tulfo In Action

Pinuntahan ng staff ng Raffy Tulfo In Action  si Ginang Gemma Fabrigas upang personal itong batiin sa pagkakapanalo ng P100k.

Taos pusong nagpasalamat si Gemma sa programa at sinabi nitong malaking bagay ang kaniyang napalunan, upang maidagdag sa kaniyang negosyo.

Hindi inakala

Ayon kay Gemma, hindi niya akalain na siya ay mananalo. Nagalit pa nga siya ng hindi sinasagot ng nanalo ang tawag ni Tulfo. Hindi niya inakala na siya na pala iyon.

INA NA MAY ANAK NA PWD NAKATANGGAP NG P100K MULA KAY TULFO
Photo Credit: Raffy Tulfo In Action

Dagdag pa niya, na laking pasasalamat niya nang hindi tinigilan ni Tulfo ang pagkontak sa kaniya kahit hindi niya ito nasagot nung una.

Sabi ni Gemma ay nilagnat at nahulog ang mga ito sa duyan nuong bata pa. Inabot ng 6 na buwan ang pagkakasakit ng dalawa hanggang sa hindi na ibumalik sa normal ang pangangatawan.

Lubos naman ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang pangalawang asawa na katuwang niya sa pag-aalaga. Maliliit pa umano ang kaniyang anak nang maghiwalay sila ng una niyang asawa.

Dininig na panalangin

Ayon kay Mark Jhon, isa sa kambal nang kamustahin ito, dininig ang kaniyang panalangin at malaking tulong ang kanilang napanalunan.

INA NA MAY ANAK NA PWD NAKATANGGAP NG P100K MULA KAY TULFO
Photo Credit: Raffy Tulfo In Action

Dagdag pa nito, lagi siyang nanonood ng programa at pinupuri niya ang mga mga bumubuo nito.

Sabi ni Gemma, may oras na gusto niyang sumuko dahil sa pagod ngunit titiisin niya ito para sa mga anak.

Source: Raffy Tulfo In Action

Panoorin sa dito ang buong kwento

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!