JANINE BERDIN: WE SHOULDN’T BE AFRAID OF CHANGE

Talaga namang mapapa-wow tayo sa bagong look ni Janine Berdin ngayon.


Sa naging post kasi ng ML Salon and Spa kahapon, ipinakita nila ang larawan ni Janine sa bago nitong kulay na buhok na purple ash kung saan pansin ang pagbabago sa kaniyang mukha.

Source: @JanineBerdinOFC

Hindi naman napigilan ng netizens na magpahayag ng paghanga at pagsuporta sa kaniyang naging transformation:

Ang ganda naman kasi talaga ng “change” na sinasabi ng Kapamilya singer na si Janine.

Sa naging interview sa kaniya ni Darla Sauler, sinabi ng dalaga na naging blooming aniya ito dahil hindi siya natakot sa pagbabago.

Janine: “I think that everyone should keep in mind na we shouldn’t be afraid of change. Na pwede rin tayong mag-change if there’s something you don’t like about yourself and you are not happy about it then you can do something to make yourself happy”

Sinabi rin ni Janine na huwag sanang i-condemn ang isang tao kung gusto nilang magbago.

Janine: “Kung may gustong mag-change ipa-change mo sila basta masaya sila.”

Nagpasalamat naman ang dalaga sa mga patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kaniya lalo na sa mga magagandang komento na natatanggap niya.

“I’m very flattered kasi ang gaganda ng compliments, thank you guys I really appreciate it”

Nang tanungin ang dalaga kung mapapanood na ba siya ulit sa telebisyon sinabi niya:

“Naku, mami very soon thankfully, naku abangan ninyo po, sa showtime.”

Matatandaang tumatatak ang pangalang Patricia Janine Dusaran Berdin o Janine Berdin nang siya ay tanghalin na grand champion sa Season 2 ng Tawag Ng Tanghalan sa Showtime kung saan nagsimula ang kanyang kasikatan.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!