MGA BATA NAGBUBUHAT NG TROSO UPANG MAKABILI NG GAMIT PANG ONLINE CLASS

Habang ang ibang estudyante ay may kakayahang  magkaroon ng gamit pang online class, ang ibang bata naman sa malayong lugar ay naghahanap-buhay upang makabili ng gamit, sa lugar ng Surigao Del Sur.

Menor de edad na trabahador

Gaya na lamang ng magkapatid na sina Makoy, Loloy at Dahlia na pawang mga menor de edad. Naglalakad ang magkapatid ng may isang kilometro na aabot ng 15 minuto, papunta sa isang logging site.

MGA BATA NAGBUBUHAT NG TROSO UPANG MAKABILI NG GAMIT PANG ONLINE CLASS
Photo Credit: KMJS

Hindi lamang ang magkapatid ang nagpupunta sa logging site, kundi may iba pang mga bata ang naroon. Sila ay may edad na 9, 12 at hanggang 14  na taong gulang.

Ayon sa mga bata, itinatago nila sa kanilang magulang ang kanilang pagbubuhat sa logging site. “Kung magpapaalam kami, hindi kami papayagan” sabi ni Macoy.

Barya baryang kita

Sila Macoy atLloloy lang noon ang nagbubuhat ng mga kahoy ngunit ginaya na ito ng ibang mga bata.

Ayon sa bata, sinasapinan nila ang kanilang mga balikat upang hindi mabalatan ng putol na kahoy habang karga ito. Binabayaran umano sila ng 250 pesos kada 20 na troso.  Kaya upang makarami, ay tulong tulong silang magpasan ng kahoy na may bigat na 20-30 na kilo ang bawat isa.

“Pipilitin parang kalabaw. Ang hirap! Kakayanin lang para makabili ng bigas.” umiiyak na sabi ni Macoy.

MGA BATA NAGBUBUHAT NG TROSO UPANG MAKABILI NG GAMIT PANG ONLINE CLASS
Photo Credit: KMJS

Si Joel naman ang pinakabata, ay pinipilit din ipasan ang putol na kahoy kahit na maliit pa ang pangangatawan nito. Ang bata ay naenganyong sumama sa pagbubuhat sa kadahilanang nais niyang makabili ng bagong damit.

Samantala, ang kapatid ng kambal na si Dalia ay ilang beses umanong naaksidente dulot ng pagpapasan ng mabigat na kahoy. “Pagtayo ko nadulas ako, tapos natamaan at naipit yung ulo ko.” umiiyak na kwento ni Dahlia.

“Wala talaga kami halos pagkain, dahil kung pagdating ni Papa sapat lang sa aming pangbigas.” ani ni Ana.

MGA BATA NAGBUBUHAT NG TROSO UPANG MAKABILI NG GAMIT PANG ONLINE CLASS
Photo Credit: KMJS

Tatlumpung minuto ang nilalakad nila papuntang bagsakan ng mga kahoy, kung saan nandoon ang truck na hahakot sa kanilang troso. Halos apat na oras ang kanilang ginugugol, at 3 beses silang umaakyat-panaog sa bundok.

Nang maipasukat na ang mga troso, ay nag-uwi lamang ng barya ang mga bata. Bawat kita ni Macoy ay hinuhulog niya sa alkansiya upang makabili ng cellphone para sa Online Class.

Tuloy ang pag-aaral

Ang sobra naman sa ibang kita niya ay binibili niya ng kanilang ulam na bagoong. Sa gabi naman, imbes na magpahinga ang magkakapatid ay nagsasagot muna ang mga ito ng kanilang mga module.

MGA BATA NAGBUBUHAT NG TROSO UPANG MAKABILI NG GAMIT PANG ONLINE CLASS
Photo Credit: KMJS

Ayon sa Philppine Statistic Authority, tinatayang nasa 2.1 Milyong Pilipino ang nasa edad na 15-17 ang nagtatrabaho. Dagdag pa, 95% nito ay nasa mapanganib na trabaho tulad ng pagbubuhat ng troso.

Ayon naman sa mga magulang ng mga bata, hindi nila alam na nagtatrabaho ang mga ito.

Upang mahinto ang pagtatrabaho ng  mga bata ay inabutan ito ng tulong. Ito ay gaya ng mga school supplies at college scholarship at gadgets na magagamit pang online class.

Source: Kapuso Mo Jessica Soho

Panoorin dito ang buong kwento

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!