MGA DAANANG ISINARA DAHIL SA PAGGUHO NG LUPA AT MUDFLOW

CAGAYAN – Ayon sa Department of Public Works and Highways sa Rehiyon 2 (DPWH 2), marami sa mga bahagi ng Manila North Road (MNR) ang napinsala ng malaking pagguho ng lupa at mudlflow sa lugar rito, at hindi madaanan nitong Linggo lamang, Oktubre 25.

ILANG MGA DAAN SA IBAT IBANG LUGAR ISINARA DULOT NG PAGGUHO NG LUPA AT MUDFLOW
Photo Credit: Manila Bulletin

Masamang panahon

Ang malakas na pag-ulan, na dala ng Tropical Storm Quinta, ang sanhi ng malakihang pagguho ng lupa at mudflow. Ito ay nang isinara ang bahagi ng MNR sa Barangay D. Leano sa Claveria, ang Cadcadir Kabugao road, Junction Logac, Lasam Gagabutan road; at Barangay San Juan sa bayan ng Sta. Praxedes.

Source: Facebook

Ayon kay DPWH 2 Information Officer Wilzon Valdez, ang mga maintenance crew at kagamitan ay na-deploy na sa lugar. Ito ay patuloy na nagsasagawa ng clearing operations.

Samantala, nagbigay-babala naman dahil sa malakas na pag-ulan na naranasan sa Sta. Praxedes, Claveria at Sanchez Mira sa Cagayan, gayundin sa Tuguegarao City. Sinabihan na ang mga residente na manatiling alerto sa paglitaw ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Pagbaha sa Cavite

Binaha naman ang ilang bahagi ng lugar ng Cavite dulot ng malakas na pag-ulan nito lamang Linggo ng gabi.

ILANG MGA DAAN SA IBAT IBANG LUGAR ISINARA DULOT NG PAGGUHO NG LUPA AT MUDFLOW
Photo Credit: TV Patrol

Tumaas ang lebel ng tubig sa lungsod ngunit humupa ang sa ibang lugar. Patuloy naman ang pagmonitor ng Bacoor DMRRO sa mga tulay upang ma-check ang lebel ng tubig sa mga ilog at dam.

Ayon sa balita, ay nadadaanan naman ng mga sasakyan ang mga kalsada. Ngunit nahihirapan naman ang mga tao na naglalakad  dito sa tuwing sila ay lalabas ng tahanan.

Pagguho sa Laguna

Sa Laguna naman, nagkaroon din ng pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan. Makikita sa larawan ang malaking puno at lupa na humarang sa daan.

Patuloy naman ang clearing operation ng DPWH at mga pulis.

ILANG MGA DAAN SA IBAT IBANG LUGAR ISINARA DULOT NG PAGGUHO NG LUPA AT MUDFLOW
Photo Credit: TV Patrol

Kanseladong biyahe

Nagkaroon ng stranded na 600 na indibidwal at mga truck sa lugar ng Matnog Port sa Sorsogon. Ito ay nang kanselahin ang mga biyahe dulot ng masamang panahon.

ILANG MGA DAAN SA IBAT IBANG LUGAR ISINARA DULOT NG PAGGUHO NG LUPA AT MUDFLOW
Photo Credit: TV Patrol

Source: TV Patrol

Panoorin dito ang buong kuwento:

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!