PINAY NURSE SA UK, GINAWARAN NG BRITISH EMPIRE MEDAL

Good News muna tayo!

Sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng buong mundo dulot ng Covid-19, kung saan ang mga health workers ay walang patid at walang sawang nagtatrabaho para sa kaligtasan ng lahat, magandang balita ang inihatid kay Minnie Klepacz sa pagkakapili sa kanya na magawaran ng British Empire Medal.

Si Minnie Klepacz ay isang ophthalmology matron sa Royal Bournemouth Hospital, kung saan pinamumunuan niya ang Black, Asian and Minority Ethnic (BAME) Network.

Bukod sa pagiging masipag at mapagkakatiwalaang empleyado, sinusuportahan din ni Minnie ang Flipino Community kung saan pagkatapos ng trabaho ay ipinagluluto niya ang mga katrabaho na nagpapagaling, tumutulong sa mga naglilipat-bahay at sa pag-organize ng virtual community events.

Si Minnie ay kinilala sa kanyang hindi matatawarang serbisyo at pagsuporta sa kanyang mga katrabaho at Filipino Community ngayong may Covid-19 sa United Kingdom nang mapasama siya sa Queen’s Birthday Honors list.

“What an incredibly proud day for Team UHD (University Hospitals Dorset) — our brilliant matron Minnie has been recognized in the Queen’s birthday honors list and awarded a British Empire Medal. Minnie was honored for her tireless work to support her colleagues and community during Covid-19, and said she feels ‘truly humbled’ to be recognized,” -UHD National Health Service Foundation Trust

Noong una, natakot aniya si Minnie nang makatanggap ito ng email galing sa Cabinet Office.

"... I was so worried and thought I’d done something wrong. I plucked up the courage to read it again and responded asking if it was a spam email because I just couldn’t believe it. They told me it was true and then rang me to reassure me, I couldn’t believe it." 

Hindi naman inaasahan ng Pinay nurse na mabibigyan siya ng ganitong award.

“I never thought in my wildest dreams that I’d get an award. I feel so privileged and honored."
“This award is not just for me, it’s for everyone who works here and goes above and beyond. As a Filipino, I’d also like to share this award with all staff from a BAME background.

Teenager pa lang si Minnie nang magtrabaho ito sa United Kingdom at ngayon ay 19 years na siyang nagtatrabaho sa ospital.

Samantala, dahil sa Covid-19, labing-isa na sa kaniyang mga kaibigan ang pumanaw ngunit sa kabila ng banta sa kalusugan ay mas pinili nitong tumulong sa kapwa.

 “Covid was really challenging, and most hospital staff affected by it came from a BAME background. I had my own worries, but I had to put that aside and think, how can I support people, what act of kindness and humanity can I provide. If people need help, then I’ll help them,” sambit niya.

Sabu ng Pinay Nurse, ang medal na iginawad sa kaniya ay ipadadala niya sa Pilipinas.

“... Growing up, my mum always used to display all our awards prominently in the lounge as she was so proud of us all. As I can’t visit my family right now, it’s only right they have my medal.”

Source: UHD


Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!