VP LENI, NAKA-QUARANTINE MATAPOS MA-EXPOSE SA COVID POSITIVE PATIENT

Sumasailalim ngayon sa quarantine sina Vice President Leni Robredo at ilan sa kaniyang mga staff matapos nilang magkaroon ng exposure sa isang pasyenteng nag-positibo sa COVID-19.

Kuwento ng bise presidente sa kaniyang radio show na Biserbisyong Leni, bagama’t wala silang nararamdamang sintomas ng virus ay sinusunod nila ngayon ang protocol na pagsailalim sa isolation kapag mayroong nakasalamuhang COVID patient.

Bukod sa kaniya, naging contact din ng pasyente ang kaniyang chief of staff na si USec. Philip Dy at ilan pa sa kaniyang mga hindi na pinangalanang tauhan.

Na-expose ako sa isang nag-positive, so sumunod kami sa protocols. Kinansel namin ang mga physical meets noong Friday at Saturday,” sabi ng bise presidente.

VP Leni
Photo source: VP Leni Robredo

Bago ma-expose sa virus ay nakadalo pa si VP Leni sa opening ng community learning hubs kung saan namimigay sila ng gadgets upang may magamit ang mga mag-aaral sa ipinatutupad na blended learning.

Habang hindi pa sumasailalim sa COVID test ay puro virtual muna ang mga pagpupulong na dadaluhan niya. “Hopefully ma-swab na kami. ‘Pag na-clear na kami, tuloy na ulit,” pagtitiyak niya.

VP Leni
Instagram | Leni Robredo

Samantala, ipinaabot naman ng Palasyo ang hiling nilang magandang kalusugan para kay VP Leni. “We wish her good health,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang pahayag.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng exposure si VP Leni sa COVID-19. Noong Hulyo ay pansamantalang itinigil ang operasyon sa loob ng Office of the Vice President matapos na may mag-positibo roon.

Umabot na sa 370,028 ang kumpirmadong kaso ng virus sa bansa, kabilang na rito ang 6,977 deaths at 328,036 recoveries.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!