3 MAGKAKAPATID, NASAWI MATAPOS KUMAIN NG PUFFER FISH!

Kahit na ipinagbabawal ang isdang puffer fish o Butete kung tawagin, ay mayroon paring kumakain nito. Ang naturang isda ay lubhang nakalalason sa sinumang kumonsumo nito.

Sa isang lugar ng Samar, lubos ang pangunguila ng isang ina matapos masawi hindi lang isa sa kaniyang mga anak kundi 3 pa. Ang dahilan, kumain ang mga ito ng Puffer fish.

“Kung naririnig  man nila, mahal na mahal ko silang tatlo.” ayon sa inang naghihinagpis.

Nang makapanayam naman ang ama ng mga bata, sinabi nitong maaaring engkanto ang pumatay sa kaniyang mga anak.

Ang lason ng Puffer fish

Ngunit ayon sa ulat ng mga pulis, sinasabing ang pagkain ng isdang tinatawag nilang tikong o Puffer fish ang nakapatay sa mgakakapatid. Ang isdang ito ay may taglay na matinding lason na maaring ikamatay ng tao.

PUFFER FISH
Photo Credit: BRIGADA

Sa kwento ng ama, siya ang nagluto ng isda na bigay lang umano sa kaniya at kanila itong inulam. Dagdag din ng ina, wala naman syang naramdaman na sakit noong sya ay kumain ng isda.

“Pati nga ako kumain, wala naman akong naramdaman hindi naman sumakit tyan ko.”

PUFFER FISH
Photo Credit: BRIGADA

Ilang oras lamang ang nakakalipas, sumama na ang pakiramdam ng mga bata. Sabi ng ama, sumuka ang mga anak at sinasabing sumasakit ang kanilang mga leeg hanggang sa mamatay ang mga ito.

Ayon sa mga eksperto, ang toxin na nasa Puffer fish ay tinatawag na “Terodotoxin” isang uri ng nakamamatay na lason.

Bagamat marami na ang nabiktima ng pagkamatay dahil sa pagkain ng isdang ito, marami parin ang walang takot na kumukunsumo ng nakalalasong isda.

Isa na sa halimbawa ang bansang Japan, kung saan may ilang restaurant ang naghahanda ng mga putahe na mula sa Puffer fish o Fugu kung kanilang tawagin. Ngunit ang pagbebenta pati narin ang pagbubukas ng negosyong naghahain ng Fugu, ay kailangan magkaroon ng lisensya sa paghahanda nito.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!