ABOGADO SA SORSOGON, TINANGGAP ANG MGA ALIMANGO MULA SA KLIYENTENG HINDI MAKABAYAD

Isang abogado sa Sorsogon ang malugod na tinanggap ang mga alimango mula sa kliyenteng hindi makabayad sa kanyang professional fee.

Sa isang viral post sa Facebook, ibinahagi ni Atty. Noel Allen Bose ang kanyang larawan na may bitbit na mga alimango sa kanang kamay  at briefcase naman sa kaliwang kamay. Makikita sa background ang gusali ng korte.

Ikinuwento ni Bose na matapos siayng pumunta sa isang pandinig, sinabi ng kliyente na wala siyang pera pambayad sa appearance fee ng abogado. Tinanong nito kung puwedeng pambayad niya ang mga alimangong nahuli niya. Kaagad namang pumayag si Bose at tinanggap ang mga alimango.

“Nakakataba ng tiyan ang alimango, (at nakakamanhid ng batok) pero mas nakakataba ng puso ang inyong mga reactions sa post kong ito! Gusto ko rin sanang pasalamatan lahat ng mga abogado na nagtatrabaho sa gobyerno at pribado,” ang sinulat ni Bose sa Facebook.

“Hindi sila madalas magpost ng kanilang trabaho at mga pagsubok, pero di hamak na masisipag at dedikado sila sa kanilang pangakong tumulong sa kapwa Pilipino,” ang dagdag niya.

Dumagsa naman ang mga positibong komento sa post ng abogado.

“Sana all ng Atty ay kagaya niyo po nakàkatakot po kumuha ng Atty pàg Wala kang pera tiyak na walang mangyayari sa Hearing Hindi uusad Ang hearing dahil walang maibayad Ang kliyente Sana All Kagaya niyo po GOD BLESS YOU MORE ATTY NOEL ALLAN BOSE,” ang sinabi ng Facebook user.

“Good job po Atty, nawa po maraming katulad mo na hndi nasisilaw sa pera lubos ka po kailangan ng ating mamayang mahihirap, God bless you po,” ang komento ng isang user.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!