ALEX EALA AT RUSSIAN PARTNER, KAMPEON SA 2021 FRENCH OPEN GIRLS DOUBLES!

Ang Filipina teen sensation na si Alex Eala at ang kanyang Russian partner na si Oksana Selekhmeteva ay pinataob ang eighth-seeded pair nina Amarissa Toth ng Russia at  Maria Bondarenko ng Hungary sa score na 6-0, 7-5 sa 2021 French Open girls doubles finals. Naganap ang laban noong Sabado (June 12).

Ang pagkapanalo nina Eala, edad 16, ay nagselyado sa Filipino-Russian tandem ng walang talong rekord sa kompetisyon sa Stade Roland-Garros sa Paris, France.

Makikita sa unang set na nagwagi sina Eala sa lahat ng anim na laro sa loob lamang ng 20 minuto, 6-0 para umabante sa huling set at makamit ang isa na namang Grand Slam title.

Gayunpaman, ang duo nina Toth at Bondarenko ay lumaban ng husto sa pangalawang set na umabot sa score na tie, 5-5. Pero ang duo nina Eala ay muling nakabuwelo para tapusin ang kanilang mga kalaban, 7-5.

SOURCE: The Philippine Daily Inquirer

Sa unang round, tinalo nina Eala sina Evialina Laskevich ng Belarus at Alina Shcherbinina ng Russia. Pinataob naman nila sina Sofia Costoulas ng Belgium at Laura Hietaranta ng Finland sa pangalawang round. 

Sina Eala at Selekhmeteva ay kasalukuyang no. 3 at no. 10 sa ITF juniors world ranking.

Ang panalong ito ay magsisilbing ikalawang junior Grand Slam feat para kay Eala matapos niyang mapanalunan ang the 2020 Australian Open juniors doubles title kasama ang Indonesian partner na si Priska Nugroho.

Nanalo rin si Eala ng kanyang unang professional title sa unang leg ng W15 Manacor tournament noong Enero ng kasalukuyang taon. Nagawa niya ito kahit nasa pangalawang taon pa lang siya ng pro circuit.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!