ALEX EALA, UMABANTE SA 2021 FRENCH OPEN GIRLS DOUBLES FINALS!

Sina Alex Eala at Russian partner na si Oksana Selekhmeteva ay umabante sa 2021 French Open girls doubles finals. Kailangan lang nila ng 53 minuto para talunin ang kanilang mga katunggali na Italyano.

Ang Filipina tennis star at Selekhmeteva ay pinataob ang Italian duo na sina Lisa Pigato at Eleonora Alvisi sa score na 6-2, 6-1 sa semifinals round na ginanap sa Stade Roland-Garros sa Paris, France noong Sabado (June 12).

Ang pagkapanalo ng Filipino-Russian tandem ay nagpapatuloy kung saan hindi pa sila natatalo sa apat na rounds na kanilang nilahukan. Tinalo nila sina Evialina Laskevich ng Belarus at Alina Shcherbinina ng Russia sa unang round. Pinataob naman nila sina Sofia Costoulas ng Belgium at Laura Hietaranta ng Finland sa pangalawang round.  

Ang top-seeded duo ay nagwagi din laban kina Petra Marcinko ng Croatia at Natalia Szabanin ng Hungary noong Huwebes (June 10) sa quarterfinal round sa score na 7-6 (9-7), 7-6 (7-5).

Si Eala, edad 16, ay umaasang makukuha niya ang kanyang pangalawang Grand Slam doubles title matapos manalo sa 2020 Australian Open title kasama ang Indonesian partner na si Priska Nugroho.

Ang Filipina teen star ay no. 3 sa Juniors division at nanalo ng kanyang unang professional title sa unang leg ng W15 Manacor tournament noong Enero ng kasalukuyang taon.

Dahil sa pakapanalo, tinanghal si Eala bilang kampeon ng nasabing paligsahan at ito rin ang una niyang titulo sa isang professional tennis tournament. Nagawa niya ito kahit nasa pangalawang taon pa lang siya ng pro circuit.

Patuloy nating suportahan ang ating pambato na si Eala para sa mas ikakaangat pa niya sa larong Tennis.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!