BAGONG HUMAN SPECIES NA NADISKUBRE SA CHINA, TINAWAG NA ‘DRAGON MAN’

Isang bungo ng tao na nadiskubre sa hilagang silangang China ang itinuturing na bagong species ng mga sinaunang tao na mas malapit sa atin kaysa sa mga Neanderthals. Ito ang inanunsyo ng mga siyentipiko noong Biyernes (June 25).

Ang natagpuang bungo ay halos perpektong napreserba sa loob ng mahigit 140,000 taon. Paniniwalaang bungo ito ng isang lalaking may malaking utak at nasa edad 50 na may malalim na pares ng mata at makapal na brow ridges.

Bagama’t malapad ang mukha, mayroon siyang patag at mababang cheekbones na kahawig ng makabagong tao kaysa sa mga extinct members ng family tree ng tao.

Ang research team ay inuugnay ang specimen sa iba pang fossils na nakita sa China. Tinatawag nila itong species na “Homo longi” o “Dragon Man.” Ito ay isang reperensiya sa lugar kung saan ito nadiskubre.

Ang Harbin cranium ay unang nakita noong 1933 sa siyudad ng Harbin pero itinago umano sa isang balon sa loob ng 85 taon para protektahan ito mula sa mga sundalong Hapon.

Noong 2018, ang specimen ay hinukay at inabot kay Ji Qiang na isang professor sa Hebei GEO University.

“On our analyses, the Harbin group is more closely linked to H. sapiens than the Neanderthals are — that is, Harbin shared a more recent common ancestor with us than the Neanderthals did,” ang pahayag ni co-author Chris Stringer ng Natural History Museum, London.

Ayon pa rin kay Stringer, maituturing ang “Dragon Man” na “sister species” at mas malapit na ninuno ng makabagong tao kaysa mga Neanderthals.

Ang findings ay nailathala sa tatlong papers sa Journal The Innovation.

Ang bungo ay tinatantyang may edad na 146,000 taon, sa panahon ng Middle Pleistocene.

“While it shows typical archaic human features, the Harbin cranium presents a mosaic combination of primitive and derived characters setting itself apart from all the other previously named Homo species,” ang sinabi ni Ji.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!