BATANG BABAE SA DUMAGUETE, NAGKAROON NG HINDI KARANIWANG KONDISYON MATAPOS MAGKA-COVID

Isang anim na taong gulang na babae sa Dumaguete ang nagkaroon ng hindi karaniwang kondisyon matapos magpositibo sa COVID-19.

Ang bata ay nagkaroon ng kondisyon na tinatawag na multisystem inflammatory syndrome (MIS).

Ayon sa GMA News, nagkaroon ng mga paltos si Ysa Bustamante sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan habang ang kanyang lalamunan at dila ay namaga kaya nahihirapan siyang huminga.

“When I saw Ysa, I will never forget the frailty of a 6-year-old girl suffering, and she doesn’t understand what is going on because her eyes are closed,” ang kuwento ni Dr. Frances Hope Yap na isa sa doktor ng bata.

“She was crying, so— can you imagine? Her eyes are closed for how many days. Her skin is blistering and burning,” ang dagdag ng doktor.

Ang MIS ay isang seryosong kondisyon kung saan ang mga organ at tissue ay namamaga matapos mahawa ng sakit na coronavirus.

Ang mga eksperto ay patuloy pang pinag-aaralan kung direktang may kaugnayan ang COVID-19 sa MIS. Gayunpaman, maraming kaso ng may MIS sa mga bata ay nagpositibo sa coronavirus.

“COVID does not only affect the lungs. Or it’s not only the cough, colds, diarrhea, loss of sense and smell. This is an eye-opening situation wherein Ysa got infected with COVID and it wasn’t a cough or a cold,” ang paliwanag ni Yap.

“It is a serious skin condition that affected everything including her eyes. This is very, very serious and this is not common, but COVID is real and COVID does have signs and symptoms that are not only in the lungs or airways,” ang dagdag niya.

Nananawagan naman ng tulong ang ama ni Ysa na si Felix Bustamante sa publiko.

“Sa mga taong may magandang kalooban, nagmamakaawa ako. Sana matulungan kami sa financial na pangangailangan para pangbayad sa bill sa ospital,” ang pakiusap ng ama.

Sa mga nais tumulong sa pamilyang Bustamante, maaari silang makontak sa mga sumusunod na numero.

Abegail Llanto (Gcash): 0926 834 5084

Felix Bustamante: 0967 735 4434

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!