BATANG NAGULUNGAN NG VAN SA ANGONO PATAY!

Kalunos lunos ang sinapit ng batang 4 na taong gulang, matapos itong magulungan ng isang van hindi lang isa kundi 2 beses pa sa lugar ng Angono Rizal. Sa kasawiang palad, hindi na umabot ng buhay ang bata sa ospital.

Ayon sa ulat ni Marisol Abdurahman  sa programang  “24 Oras” noong Biyernes, Miyerkules naganap ang trahedya na ikinamatay ng batang si John Alden Austria.

Kita sa CCTV ang pagliko ng isang van na minamaneho ng drayber na si Jose Rommel Gragera, papaliko ito noon nang biglang sumulpot sa bandang kanan ng sasakyan ang batang si John Alden.

Tumakbo ang bata sa bandang unahan ng sasakyan, doon na sya nahagip at nagulungan nito.

Huminto naman ang drayber upang alamin ang nangyari, ngunit may kumuha na sa biktima at sinakay sa van.

ANGONO
Photo Credit: GMA NEWS

Sa kasawiang palad, hindi umabot ng buhay ang bata ng dadalhin na ito sa ospital.

“Hindi na namin siya magising. Hindi po namin alam ang gagawing mag-asawa. Hindi ko man lang nakitang nag-aral ang anak ko,”  ayon sa ama ng biktima.

Ayon sa kwento ng pamliya, hindi nila akalain na hahabol ang bata sa kaniyag lolo.

“Hindi po talaga kasi hindi ko po talaga siya pinapalabas ng bahay. Alam po ‘yan ng mga magulang ko. Ang alam ko kukuha lang po siya ng tubig sa baba,”  sabi ng ina.

Sa ngayon ay nakapiit na sa kulungan ng Angono Police ang drayber at humingi din ito ng paumanhin sa pamilya ng biktima.

“Mabagal naman po ang takbo ko. Hindi ko lang po, kasi po yung bata masyado pong maliit. Kasi po, kung nakikita niyo po, ‘pag ganon ko po, sumusunod po siya,” paliwanag pa ng drayber. 

Dagdag pa niya, handa siyang sagutin ang mga gastusin sa pagpapalibing sa biktima. Samantala, sinampahan na ng reckless imprudence resulting in homicide ang drayber ng van.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!