CEMENT MIXER, GINAWANG WASHING MACHINE NG ISANG LABORER!

Naaliw ang mga netizen ng mapanuod ang ginawa ng isang lalaking construction worker sa isang cement mixer. Naisipan lang naman niya itong gawing washing machine.

Sa facebook kung saan inupload ang video ng isang netizen, ay makikita ang na nag eenjoy ang construction worker sa kaniyang paglalaba, matapos na gawin niyang washing mchine ang cement mixer. Ang video ay nakakuha ng maraming reaksyon at komento sa mga nakapanuod nito.

Cement mixer na washing machine?

Makikita sa video, na naglalagay ito ng pakete ng sabong panlaba sa cement mixer. Ang grupo ay naglagay ng tubig at saka inilagay ang mga damit. Tila pareho nga naman ng ginagawa ng washing machine at cement mixer.

Ang grupo ay nagtatawan sa kanilang ideya na i convert ang construction equipement na maging waching machine, na nagpabilis nang kanilang paglalaba kaysa gawin ito ng mano mano.

CEMENT MIXER
Photo Credit: Facebook

Ang mga lalaking trabahador ay mula pa sa Tinangis, Pili sa Naga, Camarines Sur at mukhang naninirahan pansamantala sa kanilang Barracks. Ang mga ito ay pagod na sa maghapong trabaho kaya naman naisipan nila ang kakaibang ideya ng paglalaba.

Natuwa naman ang online community at sinuportahan ang mga trabahador sa kanilang ideya ng paglalaba. Ayon sa iba, tulong narin ito sa kanilang mga sarili dahil sa maghapong pagod ito sa mga trabaho.

Marami ang nagbigay ng reaksyon mula sa netizen, ang iba ay natuwa at ang iba naman ay nagsasabi na hindi ito maaaring gawing alternatibo sa paglalaba.

“hindi naman pwede yan.”

“kundi mgkapunit punit lng mga damit nyo jan at mgkabuhol buhol yan.”

“Di naman makalinis yan mahina ang ikot, buti pa apak apakan nyo nalang famit nyo na may sabon.”

“Wala lang magawa mga yan tanga lang maniwala na pwedeng pang washing ang cement mixer. “

Ayon naman sa isa, sadyang napakatalino ng mga pinoy dahil nakakaisip ang mga ito na mapadali ang mga trabaho.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!