DALAWANG ASPIN, NAKATAGPO NG TAHANAN SA PARANAQUE HARDWARE STORE

Dalawang asong palaboy ang nakakita ng mapagkalingang tahanan sa isang hardware store sa lungsod ng Parañaque.

Ayon sa Facebook post ng Animal Kingdom Foundation (AKF), ang mga aso ay pinapayagang magpahinga sa loob ng Wilcon Depot dahil sa sobrang init sa labas.

Si Maxine Kimberly ay isa sa mga photo senders ng post. Ikinuwento niya na dalawang beses na siyang bumisita sa tindahan para pakainin ang mga hayop. Noong una, inakala niyang nakalusot lamang ang mga aso papasok sa loob.

“The first time I saw them, we were buying paint. I thought they just passed through since it was super hot outside but I saw them sleeping beside tiles on our next visit,” ang salaysay ni Kimberly sa wikang Filipino.

“They were not waking up even though I was passing through and taking pictures. It looks like the dogs are really used to having people around,” ang dagdag niya.

SOURCE: GMA Network

Bilang dog owner, sinabi ni Kimberly na nakaka-antig ng puso at napakabuti ng ginagawa ng tindahan.

“The guards feed them and call them by their names. They go out when it’s closing time and they also listen to the guards. It’s like they have an everyday routine,” ang sinabi niya.

Sa kasalukuyan, ang post ng AKF ay mayroon ng mahigit na 5,000 reactions at daan-daang komento at shares mula sa mga netizens.

“Salute Wilson depot..at sa mga guard halata mo ang mga taong mababait kc kahit sa hayup may malasakit God bless po. more blessing sa inyung lahat animal lover din kc ako kaya nakakatuwa Lang na tinutulungan nyu cla God bless po….,” ang sinabi ng Facebook user.

“Good karma is coming your way, Wilcon Store, friendly staff and guards! Thank you!” ang komento naman ng isang user.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!