GILAS PILIPINAS, WAGI KONTRA SOUTH KOREA SA FIBA ASIA QUALIFIERS!

Nagdiriwang ang buong bansa matapos talunin ng Gilas Pilipinas ang South Korea sa unang paghaharap nito sa FIBA Asia 3rd Window Qualifiers. Naganap ang laban sa Angeles University Foundation (AUF) Gym sa Clark, Pampanga noong gabi ng Miyerkules (June 16).

Tila magkakaroon ng overtime matapos maka-three points ang South Korea para itabla ang laro sa score na78-78 habang dalawang segundo na lamang ang  natitirang oras.

Sa pagkakataong, tumawag ng time-out ang koponan ng Gilas para makagawa ng magandang play para sa huling dalawang segundo. Nang magpatuloy ang laro, naka-three points si SJ Belangel bago matapos ang huling segundo para iselyado ang makasaysayang panalo ng Pilipinas.

Ito ang unang panalo ng Gilas laban sa South Koreas matapos ang walong taon.  Si Dwight Ramos ang nanguna sa Pilipinas na may 16 points habang si Belangel ay nakagawa naman ng 13 points.

SOURCE: @FIBAAsiaCup twitter

Ang mga iba pang miyembro na sina Kai Sotto at Angelo Kouame ay nagpamalas din ng kanilang galing sa laban.

Ang naturalized player na si Ange Kouame ay nakagawa ng 12 points. Kasama dito ang tatlong three-pointers at isang crucial follow-up basket habang 10 segundo na lamang ang natitira.

Si Kai Sotto ay nakagawa ng 11 points at pitong rebounds sa kanyang debut bilang miyembro ng koponan ng Gilas.

Dahil sa pagkapanalo, ang Pilipinas ay opisyal ng nag-qualify sa FIBA Asia Cup na nakatakdang maganap sa Indonesia sa darating na Agosto.

Ang Gilas ay napanatili ang walang talo sa rekord na 4 wins, 0 loss sa Group A ng qualifiers. Mayroon pa silang natitirang dalawang laro. Ang isa rito ay laban sa Indonesia at ang pangalawa ay ang muling paghaharap nila kontra South Korea.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!