HALOS 1 TONELADA NG DUMI NG BAKA, NINAKAW SA INDIA!

Isang malawakang manhunt ang kasalukuyang isinasagawa sa gitnang India matapos nakawin ng isang grupo ng indibidwal ang halos isang tonelada ng dumi ng baka mula sa isang bayan.

Ang mga residente ng village sa gitnang estado ng Chhattisgarh ay nagreklamo sa pulisya noong nakaraang linggo. Ito ay matapos mawala ang mahigit sa 800 kilogrammes (1,770 pounds) ng dumi mula sa kanilang imbakan.

Ayon sa awtoridad, isang grupo ang pumasok sa isang depository sa Dhurena village sa distrito ng Korba at itinakas ang dumi na nagkakahalaga ng may 1,600 rupees (22 USD).

“We have questioned some suspects but no arrests have been made yet,” ang pahayag ni local police officer Harish Tandekar sa AFP noong Miyerkules (June 23).

Idinagdag niya na hindi pa malinaw kung paano naitakas ng mga suspek ang ganoong kadami ng dumi at kung bakit nila ninakaw ito.

“Investigations are continuing and every effort is being made to find the culprits,” ang sinabi ni Tandekar.

Ang Chhattisgarh ay bumibili ng dumi ng baka mula sa mga magbubukid sa halagang 200 rupees kada 100 kilogram sa ilalim ng programa ng gobyerno para makalikha ng vermi-compost.

Sa mga nakalipas na ilang taon, maraming estado sa India ang humihikayat sa mga magbubukid na magbenta ng dumi ng baka para sa organic farming.

Nagkaroon din ng karagdagang demand para sa dumi ng baka para sa eco-friendly products tulad ng earthen lamps at sa mga gawaing pangrelihiyon.

Ilang mga Hindu ang itinuturing na sagrado ang mga baka at ginagamit ang dumi at ihi ng mga ito bilang medisina at sa iba pang banal na gawain.

Noong 2019, si Prime Minister Narendra Modi ay naglaan ng 5 billion rupees sa pananaliksik. Ito ay para makalikha ng mga gamot at personal-hygiene products tulad ng toothpaste, shampoo, at mosquito repellant mula sa dumi at ihi ng baka.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!