JORDAN CLARKSON, TINULUNGAN ANG NA-VANDALIZE NA FOOD TRUCK SA UTAH

Ang Filipino-American NBA guard na si Jordan Clarkson ay tinulungan ang isang na-vandalize na Filipino food truck sa Utah, USA. Ang truck ay tinadtad ng mga nakasulat na racial slurs.

Sa kanyang tweet, hinimok ni Clarkson na itigil na ang galit sa mga Asyano matapos i-spray paint ang gilid ng food truck ng mga anti-Asian phrases.

“It hurt me deeply to see that Salt Lake’s @yumyumasian food truck was recently vandalized,” ang post ng Utah Jazz player.

“I know the pain that hateful language and racism causes. With the help from @identitygraphx we’ll be able to restore the truck and hopefully lift Ben [Pierce] and his family’s spirit! #StopAsianHate,” ang dagdag niya.

SOURCE: @JordanClarksons Twitter

“I stand in solidarity with Utah’s Filipino community – love is more powerful than hate! #utahfilipino #StopAAPIHate #stopasianhate,” ang sinabi ni Clarkson sa isang tweet.

Ang “World Famous Yum Yum” ay naghahain ng mga Asian fusion at Filipino dishes sa bandang hilaga ng Utah.

Si Daniel Workman at ang kanyang kompanya na “Identity Graphx” ay tutulong sa pag-restore ng truck. Isa rin siya sa kapitbahay ng pamilyang nagmamay-ari ng sasakyan.

Ayon kay Workman, nag-alok si Clarkson na babayaran ang pag-install ng bagong design sa truck pero tinanggihan niya ito. Gayunpaman, ang NBA’s Sixth Man of the Year ay magbibigay suporta sa mga may-ari ng Yum Yum.

Batay sa huling ulat, ang Yum Yum owner na si Ben Pierce ay nakipag-kontak na sa ahente ni Clarkson na ilang beses nagtanong kung ano ang mga pangangailangan ng mga may-ari ng food truck.

“They’re just giving us too much,” ang sinabi ni Pierce.

“It’s already a lot of help. He’s too giving,” ang dagdag niya.

Samantala, ang Layton Police ay magbibigay ng $500 na pabuya para sa anumang impormasyon na magtuturo sa mga salarin.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!