LEBRON JAMES, BINATIKOS ANG NBA DAHIL SA PAGDAMI NG INJURED PLAYERS

Nagpost ang basketball superstar na si Lebron James noong Huwebes (June 17) ng galit na katagang “I Told You So” sa National Basketball Association (NBA). Sinisisi niya ang liga sa pagdami ng mga injured players dahil sa napaka-ikli na off season na inilaan bago nagsimula ang 2020-2021 season.

“They all didn’t wanna listen to me about the start of the season,” ang tweet ni James.

“I knew exactly what would happen. I only wanted to protect the well being of the players which ultimately is the PRODUCT & BENEFIT of OUR GAME! These injuries isn’t just “PART OF THE GAME”,” ang dagdag niya.

Ayon pa sa Los Angeles Lakers star, ang mga injuries ay dahil sa kakulangan ng pahinga bago nagsimula ang laro noong Disyembre. May 72 araw ito matapos makuha ng Lakers ang championship title sa nakaraang season na ginanap habang naka-quarantine bubble sa Orlando, Florida.

Sa huling ulat, ang Los Angeles Clippers star na si Kawhi Leonard ang pinakabagong na-injure sa nagaganap na playoffs. Batay sa ulat ng US media, maaaring hindi makapaglaro si Leonard sa mga natitirang laban ng kanyang koponan.

Bukod kay Leonard, ang iba pang nasa listahan ng mga na-injure ay sina James mismo, at  ang kanyang teammate na si Anthony Davis.

Samantala, ang Brooklyn Nets star na si Kyrie Irving ay hindi pa rin makakapaglaro sa kanyang koponan laban sa Milwaukee Bucks dahil sa injury. Ang kanyang teammate na si James Harden ay hindi pa rin nakakapaglaro sa tatlong magkakasunod na laban nila.

Ayon kay James, may walo o siyam na All-star players ang hindi nakapglaro ng playoff games.

“This is the best time of the year for our league and fans but missing a ton of our fav players,” ang kanyang tweet

“It’s insane,” ang dagdag niya.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!