NCAA SEASON 96, PORMAL NG NAGBUKAS

Pormal ng nagbukas ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 noong Linggo (June 13).

Ang GMA Kapuso singer na si Aicelle Santos ay kinanta ang “Fight Song” para opisyal na ilunsad ang season. Nakatakda itong itampok ang mga virtual events tulad ng larong chess, taekwondo, basketball, at volleyball.

Nagsilbi naman ang mga GMA artists bilang NCAA flagbearers, muses sa Season 96 Opening Ceremony. Ang mga  basketball analysts na sina Mikee Reyes at Martin Antonio ay pinarangalan ang mga nangugunang NCAA cagers sa “Rise Up Stronger.”

Si CSB alumnus John Vic de Guzman ay pinangalanan ang mga all-time NCAA volleyball players. Ang mga GMA talents na sina Kyline Alcantara, Thea Astley, Jessica Villarubin, Anthony Rosaldo, Hannah Precillas, at Jeremiah Tiangco ay kinanta ang NCAA theme song na “Rise Up Stronger.” Ito rin ang nagsisibling slogan ng buong season.

Samantala, ang mga hosts na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia ay ipinakilala ang mga miyembro ng NCAA Season 96 Policy Board at Management Committee.

Malugod namang binati ni Policy Board president Rev. Fr. Clarence Victor C. Marquez ang mga student-athletes habang ikinuwento niya kung paano naging bagong tahanan ng asosasyon ang GMA network. Si Marquez ay siya ring O.P. ng NCAA host na Colegio de San Juan de Letran

“We have found a new partner, we have found hope with GMA Network and now, we are opening the Season 96 in a better and new normal,” ang pahayag ng pari.

Para maging ligtas ang opening ceremony, ang mga student-athletes mula sa 10 paaralan ay lumahok virtually.

Nagsimula na ang sports activites ngayong Lunes (June 14). Kabilang sa mga events ay ang eksklusibong coverage ng taekwondo poomsae competition mula Hunyo 14 hanggang Hunyo 17.

Mapapanood ang ‘Rise Up Stronger: NCAA Season 96’ tuwing weekday (2:45 p.m.), Sabado (4:30 p.m.), at linggo (5:05 p.m.) sa GTV channel.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!