NIKOLA JOKIC NG DENVER NUGGETS, TINANGHAL NA MVP SA NBA

Si Nikola Jokic ng Denver Nuggets ang tinanghal na Most Valuable Player (MVP) sa 2020-2021 National Basketball Association (NBA) Season. Siya ang unang basketbolista sa kasaysayan ng franchise at unang second-round draft pick sa kasaysayan ng liga na nakakuha ng naturang parangal.

Ang Serbian star ay naglaro sa lahat ng 72 games para sa Nuggets. Gumawa siya ng average na 26.4 points, 10.8 rebounds, at 8.3 assists kada laro. Ang kanyang shooting percentage ay 56.6% mula sa floor at nakasama rin siya sa All-Star sa tatlong magkakasunod na taon.

“I’m so happy and respect so much the hard work and dedication that he’s put in to reach this point,” ang pahayag ni coach Michael Malone.

“I’ve been lucky enough to coach Nikola his entire career, and to see his growth from a second-round pick trying to learn the NBA to a perennial All-Star and now the MVP is truly extraordinary. He deserves this honor and I don’t take for granted getting to coach a player, and more importantly a person like Nikola,” ang dagdag niya.

SOURCE: NBA.com

Nakakuha si Jokic ng 91 mula sa 101 na boto para makaipon ng kabuuang 971 points. Ang Philadelphia 76ers center na si Joel Embiid ay pumangalawa na may 586 points habang ang Golden State Warriors guard na si Stephen Curry ay pumangatlo na may 453 points.

Nasa ika-apat na puwesto naman ang Milwaukee Bucks star na si Giannis Antetokounmpo habang nasa ika-lima ang Phoenix Suns guard na si Chris Paul.

Samantala, ang koponan ng Nuggets ay pumangatlo sa Western Conference regular season sa standing na 47 wins, 25 losses. Tinalo nila ang Portland Trail Blazers sa unang round ng playoffs. Gayunpaman, nakatikim ng talo ang Nuggets kontra sa Phonenix Suns sa kanilang unang laban sa semifinal series sa score na 105-122.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!