PAGHINGI NG PAUMANHIN NI POPE FRANCIS, HINILING NI CANADIAN PM TRUDEAU

Si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay sinabi noong Biyernes (June 25) na hiniling niya kay Pope Francis na bumisita sa Canada. Ito ay para humingi ng paumanhin sa naging role ng simbahang Katolika sa pagpapatakbo ng residential schools para sa indigenous children kung saan halos 1,000 labi ng tao ang natagpuan sa dalawang mass graves.

“I have spoken personally directly with His Holiness Pope Francis to press upon him how important it is not just that he makes an apology but that he makes an apology to indigenous Canadians on Canadian soil,” ang pahayag ni Trudeau sa mga mamamahayag sa Ottawa.

“I know that the Catholic church leadership is looking and very actively engaged in what next steps can be taken,” ang dagdag niya.

Ayon sa Cowessess First Nation, may 751 hindi markadong libingan ang natagpuan sa isang site sa Marieval Residential School sa Saskatchewan. Ito ay ilang linggo lamang matapos madiskubre ang 215 hindi markadong libingan sa dating paaralan sa British Columbia.

Ang residential school system ay naging operational mula 1831 hanggang 1996. Hiniwalay nito ang may 150,000 indigenous children mula sa kanilang pamilya at dinala sa Christian residential schools. Karamihan dito ay Catholic schools na pinatakbo sa pamamagitan ng federal government.

Lumabas sa isang ulat ng federal commission na ang residential school system ay nagsagawa ng cultural genocide sa mga indigenous people sa Canada.

“I have heard directly from many Catholics across this country who want to see the church play a positive role in this,” ang sinabi ni Trudeau.

Noong unang bahagi ng buwan, nagpahayag si Pope Francis na nalulungkot siya sa pagkadiskubre ng mga labi ng 215 bata at nanawagan ng respeto para sa karapatan at kultura ng mga native people. Gayunpaman, walang nabanggit ang Papa ng direktang paghingi ng paumanhin.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!