PERFUME MAGNATE, GUMASTOS NG MAHIGIT P50M PARA MAGKAROON NG 8 ANAK

Ibinahagi ng negosyante ng pabango na si Joel Cruz na gumastos siya ng mahigit P50 million para magkaroon ng walong anak. Lahat sila ay ipinanganak sa pamamagitan ng in-vitro fertilization.

Isiniwalat ni Cruz na gumastos siya ng P12 million para sa kanyang unang kambal, P11 million para sa pangalawa, P11 million din sa pangatlo, at P18 million para sa ikapito at ikawalong anak.

Pinakamahal ang nagastos niya sa kanyang unang kambal dahil may karagdagang gastos sa pag-ayos ng mga requirements para madala ang mga anak sa kanyang tahanan.

“Kasi nung first, ang hirap, ang daming problema namin. Umiiyak na nga ako sa Russia kasi gustong-gusto ko na ngang iuwi (sila) sa nanay ko to the point na mag-eexpire na ‘yung visa namin, so uuwi kami ng Pilipinas,” ang pahayag ni Cruz sa YouTube interview niya kay Ogie Diaz.

“Tsaka ‘yung uuwi ako na, ang lungkot lungkot ko na, hindi ko naiuwi ‘yung anak ko … Ang daming papeles pero wala kang choice kasi susunod ka sa kanila (sa Russia),” ang dagdag niya.

SOURCE: The Philippine Star

Ang kanyang mga anak ay nagmula sa parehong ina na nangangalang Lilia pero ang pangalawa at pangatlong set ng kambal pati na rin ang ikapito at ikawalong anak ay dinala ng mga surrogate na ina. Lahat ng egg cells ay galing kay Lilia.

Inamin ni Cruz na sinubukan niya ang surrogacy sa Pilipinas ngunit hindi ito naging matagumpay. Kaya naman, pumunta siya ng ibang bansa para magawa ang procedure.

Ang kanyang unang kambal ay pinangalanang Prince Sean at Princess Synne na ipinanganak noong Setyembre 2012. Sinundan sila nina Prince Harry at Prince noong Oktubre 2015; Charles at Charloote noong Mayo 2017; Zeid noong Hunyo 2018; at Ziv noong Nobyembre 2018.

Sinabi rin ni Cruz na ang kanyang pinakamatatandang anak ay medyo alam na kung paano sila ipinanganak.

“They just know na … married ‘yung mommy nila, may asawa at anak din, parang kinausap ko ‘yung mommy na tulungan akong magkaroon ng baby ganon na pumayag naman ‘yung mommy niya,” ang kuwento ni Cruz.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!