V NG BTS AT LISA NG BLACKPINK, KINILALANG PINAKASIKAT NA K-POP IDOLS!

Ang BTS member na si “Kim Taehyung” o mas kilala na “V” at si “Lisa” ng BLACKPINK ay itinuturing na pinaka-popular na K-pop artists sa buong mundo.

Ayon sa British publication Nubia magazine, nakapagkolekta sila ng datos mula sa mahigit 70 sikat na social media platforms kabilang dito ang Google Trends, Google News at kahit ang mga offline surveys sa kalye.

Batay sa magazine, si V ang kasalukuyang pinakasikat na miyembro ng BTS at may pinaka-dedicated fanbase sa kasaysayan ng K-pop.

“The man who literally wants to crash the internet with his fame and popularity. Our Research Shows: He is the most popular face and name in his group, we can boldly say he currently has the most dedicated fan base in the history of Kpop,” ang pahayag ng Nubia magazine.

“Well, he is a popular actor and a very successful music artist who is very good at what he does, be it acting or singing or even performing on a stage,” ang dagdag nito.

SOURCE: @sceneryfortae twitter

Samantala, sinundan si V ng kanyang ka-miyembro na si Jungkook habang si Lisa naman ang pangatlo sa ranking at nangunguna sa mga babaeng K-pop idols.

Ayon pa rin sa mga mambabasa ng magazine, si Lisa ang pinakasikat na miyembro ng BLACKPINK at mayroon ding dedicated fanbase sa buong mundo.

Ang mga tagahanga nina V at Lisa ay karamihang matatagpuan sa Asia, Europe, Americas, at Australia.

Ang iba pang kasama sa Top 10 ay sina Jimin ng BTS, Jisoo ng BLACKPINK, J-Hope ng BTS, Jennie ng BLACKPINK, Baekhyun ng EXO, Rosé ng BLACKPINK, at Cha Eun-woo ng ASTRO.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!