WINNING TRIPLE NI BELANGEL, ‘LUCKY SHOT’ DAW AYON SA KOREAN COACH!

Ang Gilas player na si SJ Belangel ay nagpakawala ng 3-point shot na nagpanalo sa Gilas Pilipinas kontra sa South Korea sa score na 81-78 noong Miyerkules (June 16).

Dahil dito, nagbubunyi ang buong bansa sa pagkapanalo ng ating pambansang koponan sa unang laban nito sa FIBA Asia 3rd Window Qualifiers. Naganap ang laro sa Angeles University Foundation (AUF) Gym sa Clark, Pampanga.

Tinapos rin ni Belangel ang sinasabing “Korean Curse” kung saan hindi pa ulit nanalo ang Pilipinas sa South Korea simula noong 2013. Ito ang unang panalo ng Gilas laban sa Korea matapos ang walong taon. 

Si Dwight Ramos ang nanguna sa Pilipinas na may 16 points habang sinundan siya ni  Belangel na nakagawa ng 13 points.

Inamin naman ni South Korean coach Cho Sanghyun na wala ng nagawa pa ang kanyang mga manlalaro para mapigil si SJ Belangel sa pagpasok ng buzzer-beating three para matalo ang koponan ng South Korea.

Gayunpaman, inilarawan ni Cho na isang “lucky shot” ang naipasok ni Belangel sa huling segundo ng laro.

“We actually planned out a switch from that last two seconds so that there’s no space for a second shot. But it was a lucky shot. So there was nothing we had to do to fix it,” ang sinabi ni Cho sa tulong ng isang translator sa naganap na virtual post-match press conference.

“But on second thought, maybe we could have done a trap. But overall, it was a lucky shot. There was no way of defending it,” ang dagdag ng South Korean coach.

Ang Gilas at South Korea ay muling maghaharap sa Linggo (June 20) bilang pagtatapos sa kampanya ng dalawang koponan sa continental qualifiers.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!