17 PATAY SA PAGBAGSAK NG PH AIR FORCE C-130 PLANE SA SULU!

Hindi bababa sa 17 ang nasawi sa pagbagsak ng isang C-130 military plane ng Philippine Air Force (PAF) sa Sulu bago mag-tanghali ngayong Linggo (July 4).

Ang nasabing eroplano ay nakatakadang maglanding sa Jolo port sa Sulu ng maganap ang aksidente bandang 11:30 a.m.

“A C-130 aircraft of the Philippine Air Force with tail #5125 figured in a mishap upon landing in Jolo. The said aircraft  took off from CJVAB to Lumbia Airport and subsequently ferried personnel to Jolo,” ang pahayag ng PAF.

Nagpapatuloy ang rescue operations habang sinusulat ang artikulong ito.

Samantala, kinumpirma ni Philippines Chief General Cirilito Sobejana na hindi bababa sa 40 personnel ang nailigtas mula sa nasusunog na military cargo plane.

Kinumpirma rin ni Sobejana na hindi bababa sa 85 katao ang sumakay sa C-130 plane.

“Responders are at the site now. We are praying we can save more lives,” ang sinabi ni Sobejana.

Karamihan sa mga pasahero ay mga miyembro ng militar na nakatalaga sa 11th Infantry Batallion’s Joint Task Force Sulu ng Philippine Army. Sila ay mga bagong nagtapos sa basic military course.

“One of our C-130s while transporting our troops from Cagayan de Oro, na-miss niya ‘yung runway trying to regain power, at hindi nakayanan. Bumagsak doon sa may Barangay Bangkal, Patikul, Sulu,” ang ibinahagi ni Sobejana sa mga mamamahayag.

“We are doing our best effort to rescue the passengers,” ang dagdag niya.

Inulat din ni Sobejana na nasa crash site na ang ground commander para masugpo ang apoy at mailigtas ang mga pasahero.

“‘Yung ating ground commander nandu’n na, si General Gonzales doing his best effort na maapula ‘yung apoy at ma-rescue safely ‘yung mga passengers,” ang sinabi ni Sobejana.

“So far meron na tayong 40 na na-rescue at kasalukuyang ginagamot sa 11th ID Hospital sa Busbus, Sulu,” ang dagdag niya.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!