AI-AI DELAS ALAS, SINUPORTAHAN SI JACLYN JOSE LABAN SA “BASURA COMMENT” NI ANDOY RANAY

Nagpahayag ng suporta ang Comedy Queen na si Ai-ai Delas Alas sa pahayag ng betearang aktres na si Jaclyn Jose sa “basura comment” ng direktor na si Andoy Ranay sa mga network na mayroong prangkisa.

Aiai delas Alas supports Jaclyn Jose's statement on 'basura' Issue -  LionhearTV
Photo Source: LionhearTV

Matatandaang July 14 nang ng sabihin ng direktor sa isang panayam na basura ang mga proyektong inilalabas ng mga istasyon na mayroong prangkisa.

Pahayag nito, “Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho, wow! Hahahaha! Grabe! I mean, di ba?”

Bagamat wala siyang binanggit na istasyon, isa ang malapit niyang kaibigan na si Jaclyn Jose sa mga nag-react sa kanyang pahayag. Pinagdiinan ng aktres na “hindi sila basura.”

Naghihirap raw ang lahat ng tao sa harap at likod ng camera para makapaglabas ng magandang programa para sa publiko. Dugo’t pawis daw ang kanilang iniaalay kaya hindi makatarungan na tawagin silang basura.

Aniya, “Lahat ng nasa production from EP to AP to PA to all the members of production hanggang utility, wardrobe on point.

“Hanggang sa kuwento, artista, director nagpapawis, nagpapakahirap makagawa lang ng napakaganda na panuurin. Pinaghihirapan po namin ang lahat ng lumalabas.

“Hindi po kami (basura).”

Photo Source: GMA Network

Sinang-ayunan naman ni Ai-ai ang pahayag na ito ni Jaclyn. Ipinost niya sa kanyang Instagram account ang pahayag ng aktres at sinabing naghihirap ang lahat sa produksiyon para makagawa ng magandang programa.

Ang bagay na pinaghirapan daw ay hindi maaaring ihalintulad sa basura.

Ani Ai-ai Delas Alas, “[three clapping hands emojis] tama ms best actress ang daming hirap at puyat hindi lamang artista kundi mga tao sa likod ng camera .. ang pinag hirapan at galing sa pusong gawain ay hindi maihahantulad sa basura.”

Bukod sa dalawang aktres, naglabas din ng saloobin ang direktor ng GMA na si L.A Madridejos tungkol sa isyu na ito.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!