AMY PEREZ, NAGLULUKSA PA RIN SA PAGKAMATAY NG KAIBIGANG SI HANS MORTEL


“You will always be my favorite ‘SAWSAWERO.'”

Ito ang mensahe ng TV host na si Amy Perez sa kanyang yumaong malapit na kaibigan na si Hans Mortel.

July 14, 2021 nang pumutok ang balitang namayapa na ang stand-up comedian at sikat na sawsawero sa defunct tabloid talk show ng TV5 na Face To Face.

Former 'Face To Face' co-host Hans Mortel passes away – Manila Bulletin
Photo Source: Manila Bulletin

Matatandaang siya ang nagsilbing tagakuha ng saloobin at opinyon ng mga live audience tungkol sa isyung tinatalakay sa episode ng nasabing programa na ipinalabas noon sa TV 5.

Hindi nabanggit kung ano ang naging dahilan ng pagkamatay ng komedyante ngunit ayon sa kanyang kapatid, nagsimula sa swollen lymph nodes ang karamdaman ni Hans.

Hindi raw nila ito agad na naagapan kaya naman kalaunan ay nagkaroon na rin si Hans ng ibang kumplikasyon kagaya na lamang ng tuberculosis at pneumonia.

Isa si Amy Perez sa nagpahayag ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng malapit na kaibigan. Ipinost niya ang throwback picture nila noon ni Hans sa kanyang Instagram.

Panimulang mensahe nito, “A true friend is never truly gone. Their spirit lives on in the memories of those who loved them.”

Ayon sa TV host, bagamat sobrang mami-miss niya si Hans, iispin na lamang niya na atleast ay wala na itong sakit na nararamdaman at nasa mabuti nang kalagayan kasama ng Panginoong, Diyos,

Ani Amy Perez, “Salamat sa love mo at lahat ng magaganda nating memories together.”

Fashion PULIS: Insta Scoop: Amy Perez Pays Respect to Former Co-host of  'Face to Face,' Hans Mortel
Photo Source: Instagram @Amypcastillo

“You will always be my favorite ‘SAWSAWERO’

“I will miss you.[broken hearts emojis] No more pain. [crying emoji]

“Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ.

“My Deepest Sympathy to his family,” dugtong pa niya.

Marami ang nalungkot sa balitang ito dahil ayon sa netizens, minsan nilang nakasama sa pananghalian ang yumaong komedyante.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!