ANDI EIGENMANN, NAGBENTA NG MGA DAMIT PARA MAKATULONG SA HEALTH CENTER NG SIARGAO

Ibinahagi ng aktres na si Andi Eigenmann sa kanyang isang vlog na ibinenta niya ang mga pre-loved clothes nila ng kanyang mga anak upang makatulong sa mga kababayan nila sa Siargao kung saan sila kasalukuyang naninirahan.

WATCH: Andi Eigenmann sells pre-loved clothes to help improve health and  daycare facilities in Siargao | PUSH.COM.PH: Your ultimate showbiz hub!
Photo Source: Push.com.ph

Ayon sa aktres, nagdesisyon siya na gawin ang bagay na ito bilang bahagi ng isang fundraising campaign para sa pagtatayo ng mas maayos na health center sa Siargao.

Ito raw ang isa sa mga paraan na naisip niya upang makatulong sa ibang tao. Bukod sa mababawasan ang napakarami nilang damit, mapapakinabangan pa ito ng mga tao sa kanilang lugar. Maayos at magaganda pa ang mga damit na ibinenta ng aktres kaya naman siguradong masisiyahan ang makakabili nito.

Pagbabahagi ni Andi, “We have a setup here outside kasi para makita ng mga tao dito sa neighborhood namin na naglalabay-labay (dumadaan-daan).

“Matagal ko nang gustong magkaroon ng purpose ‘yung mga pre-loved clothes namin. Alam kong maraming makikinabang and of course, it’s better for the environment if I can see na napa-pass on ko siya,” dagdag pa niya.

Matagal na raw niya itong gusto gawin pero nahihiya siyang mabenta kaya mabuti na lamang dahil nalaman niya na nagtayo ng fundraising campaign ang isa sa mga kaibigan niya.

Magiging malaking tulong daw ito para sa pagpapaganda ng kanilang health center at daycare.

Ani Andi Eigenmann, “So naisip ko, para hindi naman sayang ang binayad ng mga locals, sa kanila  ko na rin ibabalik ‘yung naibigay nila kaya ilalagay natin sa health center ‘yung earnings para makatulong naman, ‘di ba?

WATCH: Andi Eigenmann sorts pre-loved clothes to raise funds for Siargao  health center | Inquirer Lifestyle
Photo Source: Inquirer.net

“And maka-help na ma-provide ‘yung mga kulang na materials, ‘di ba? Na mas pagandahin at ayusin pa ‘yung health center namin dito,” saad pa niya.

Sa huli ay hinikayat ng aktres ang publiko na mag-donate sa nasabing fundraising nang sa ganoon ay mas marami pang matulungan.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!