ANDRE YLLANA, GRADUATE NA SA KOLEHIYO, AIKO SUPER PROUD

Proud na ibinahai ng kapuso actress na si Aiko Melendez sa kanyang Instagram post na tuluyan nang nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang anak na si Andre Yllana.

Andre Yllana - IMDb
Photo Source: IMDb

Sa mga hindi nakakaalam, si Andre ang naging bunga ng pagmamahalan nila noon ng dating asawang si Jomari Yllana.

Automobile Mechanic Course ang kursong kinuha ng binata sa Don Bosco Technical Institute of Makati at kamakailan nga lamang ay napagtagumpayan na niya ito.

Hindi raw mapigilan ng aktres na maging emosyonal sa pangyayari na ito dahil hindi raw naging madali ang mga pinagdaanan nilang mag-ina.

Kwento ng aktres, “As i write this, I can’t help but be emotional. Una kasi di madali ung pinagdaanan ko para mapagtapos ko Anak ko yes on my own. Single mom ako d ba.

“Not complaining. I remember there were days na I was lacking in terms of financial at that time, Mader Ogie Diaz somehow knows my story. It’s a story of my UPS and DOWNS.”

Noong mga panahon na mayroon silang financial problems ay na-depress daw ang kanyang anak. Nangako raw talaga siya noong mga panahon na iyon na gagawin niya ang lahat para makapagtapos ito ng pag-aaral.

Aiko Melendez, idinetalye ang hirap para makapagtapos ng pag-aaral ang anak  na si Andre | GMA Entertainment
Photo Source: GMA Network

“Panganay ko yan gagawin ko ang lahat just to make him finish College. Remember nag-artista s’ya for a time kaso ang dami nangyayari so I spoke to him and he said he will finish school and if Showbizness is still kind and will welcome him babalik sya,” saad pa niya.

Alam daw ng mga taong malalapit sa kanya kung ano ang hirap na pinagdaanan niya kaya naman proud na proud siya sa anak na tinupad nito ang pangakong tatapusin ang kanyang pag-aaral.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!