ANDREA TORRES, MULING PUMIRMA SA GMA, EXCITED SA POSIBLENG TEAM-UP NILA NI JLC

“Talagang bet ko rin na matuloy.”

Ito ang naging reaksyon ng Kapuso actress na si Andrea Torres nang matanong tungkol sa bali-balitang proyektong pagsasamahan nila ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

Andrea Torres Wants Peace After Derek Ramsay Breakup
Photo Source: Cosmo.ph

Matatandaang noong May nang pumutok ang balitang mayroon daw nilulutong proyekto para sa dalawa. Sinasabing sitcom raw ito at makakasama rin nila si Willie Revillame.

Bagamat masaya ang aktres sa balita na ito, hindi niya raw pwedeng kumpirmahin dahil wala namang formal announcement galing sa kanilang management. Mahirap daw magsalita lalo na kung wala pa namang nangyayaring storycon o hindi pa nagsisimula ang taping.

Paliwanag niya, “Wala pa po kasi akong nakukuhang announcement talaga from GMA regarding that. Talagang narinig ko lang po sa mga kuwento-kuwento, mga news.

“Mahirap pong i-claim, di ba?”

Bukas naman daw siya kung sakaling totohanin nga ang nasabing proyekto. Matagal na raw siyang fan ni JLC kaya naman kung siya ang masusunod, gustong gusto niyang matuloy.

“Talagang bet ko rin na matuloy kasi bibihira lang naman ang ganitong opportunity. Actually, nagulat tayong lahat na pupwede na ang ganito.

John Lloyd Cruz to appear on GMA-7 for his TV comeback after taking a  showbiz hiatus - Balita.com
Photo Source: Balita.com

“Na pwede mo nang makatrabaho si John Lloyd, si Bea [Alonzo]. And definitely, kapag naibigay po sa atin, magiging very happy talaga,” ani Andrea Torres.

Magiging magandang experience raw para sa kanya ang opportunity na ito dahil sigurado siyang marami siyang matututunan kay John Lloyd pagdating sa pag-arte.

Ito raw ang magiging kauna-unahan niyang sitcom project kung sakaling magkakatotoo nga. Excited daw siyang maipakita sa mga viewers ang side niyang iyon bilang isang aktres.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!