ANGELINE QUINTO, AMINADONG GINAGASTUSAN ANG MGA NAGING JOWA

 “Siyempre pag jowa niyo, mahal ninyo.”

Ito ang katwiran ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto kung bakit siya ang kadalasang gumagastos sa mga nagiging karelasyon niya.

ANGELINERS (@Angeliners) | Twitter
Photo Source: Twitter @angeliners

Sa latest vlog ng singer ibinahagi nito na marami na siyang lalaking naging jowa niya na napautang. May mga pagkakataon daw na nagugulat na lang siya dahil alam ng mga ito kung saan kukuha ng pera kahit hindi na magsabi sa kanya.

Chika ng dalaga, “Ang dami ko kasi pinautang.

“Kasi nagugulat ako, kahit hindi naman sila nangungutang, parang alam na alam na nila kung saan sila kukuha ng… alam nila yung wallet ko, e.”

Para raw sa kanya, normal na bagay na lang iyon. Mapagbigay na tao raw kasi siya at kung mahal naman niya ang isang lalaki, hindi siya magdadalawang isip na gastusan ito.

“Ewan, parang nakasanayan nila [kumuha sa wallet ko] kasi alam niyo naman ako, di ba?

“Mapagbigay akong tao. Sabi ko nga sa inyo, hangga’t may maibibigay akong tulong.

“Siyempre jowa ko pa, siyempre pag jowa niyo, mahal ninyo,” giit pa niya.

Tahasan ding inamin ni Angeline na umabot ss puntong nakapagbigay siya ng motor at sasakyan sa kanyang ex-boyfriend na hindi pinangalanan.

Angeline Quinto, isa-isang sinagot ang mga nakakalokang comments ng kanyang  mga bashers - Socmed Today
Photo Source: Socmed Today

Ani Angeline Quinto, “Binigyan ko pa nga ng motor… Motor? Oh my God, ano ba ‘yan, ang dami ko nasasagot dito!”

Maging sa kinikita niya raw minsan ay mas malaki pa ang napupunta sa mga ito. Hinahayaan lang naman daw niya dahil ganoon talaga siya magmahal.

Kaya naman hindi na siya magtataka kung dumating sa puntong makapagbigay siya ng bahay sa susunod pa niyang makakrelasyon.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!