BULKANG TAAL, PATULOY SA PAGBUBUGA NG SULFUR DIOXIDE!

Patuloy ang bulkang Taal sa pagbubuga ng mataas na level ng sulfur dioxide (SO2) habang nananatili itong nasa Alert Level 3 status. Ito ang ipinahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Linggo (July 4).

Sa kanilang Taal Volcano bulletin bandang 8 a.m., inulat ng PHIVOLCS na ang main crater ng bulkan ay naglabas ng may 2,500 meters na SO2 gas at mayamang uri ng plumes sa nakalipas na 24 oras.

“Sulfur dioxide (SO2) emission averaged 14,699 tonnes/day on 03 July 2021,” ang dagdag ng ahensya.

Mayroon na ring 31 low frequency volcanic earthquakes at low-level background tremor simula noong Abril 18, 2021.

SOURCE: @phivolcs_dost Twitter

Inulat din ng PHIVOLCS na ang volcanic smog o “vog” ay naobserbahan mula sa bulkan at sa palibot nito.

“Based on ground deformation parameters from electronic tilt, continuous GPS and InSAR monitoring, Taal Volcano Island has begun deflating in April 2021 while the Taal region continues to undergo very slow extension since 2020,” batay pa rin sa advisory ng PHIVOLCS.

Samantala, ang mga inisyal na aktibidad ng bulkang Taal ay may mahina kaysa sa mga eksena ng sumabog ito noong Enero 2020. Ito ay ayon kay PHIVOLCS Officer-in-Charge Renato Solidum Jr.

“Ito ngang sulfur dixode gas 14,000 tonnes per day ay mas malaki pa sa January 2020. Ibig sabihin nag-dedegas ang magma na nasa mababaw na parte at hindi siya mabilis umusad. So sa ganoong pagkukumpara, ang initial activity natin, hindi kasing lakas ng January 2020,” ang pahayag ni Solidum.

Gayunpaman, kailangan pa rin ng patuloy na pagmamasid at pag-iingat.

“Kailangan bantayan kung mayroon pang magma na manggagaling sa mas mababang parte at mas malayo na pupunta sa ilalim ng Taal Volcano Island na baka maraming gas na madala at baka ito na mag-propel ng mas malakas,” ang sinabi ni Solidum.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!