CAMILLE PRATS, UMALMA SA MGA NANGBABATIKOS SA KANYANG KATAWAN


“I don’t see anything wrong with my body.”

Ito ang bwelta ng aktres at TV host na si Camille Prats sa mga netizens na pumupuna at nangbabatikos sa pinagpaguran niyang fitness journey.

Camille Prats dismisses health concern over 'weight loss' - The Filipino  Times
Photo Source: The Filipino Times

Bagamat marami ang natuwa at bumilib sa pagbabago sa pangangatawan ng aktres, mayroon pa ring netizens na nag nega sa kanyang pagpapapayat. May mga nagsasabi na tila nasobrahan daw ang kanyang kapayatan at hindi na ito bagay.

Agad naman na bumwelta ang aktres sa kanyang Facebook post at sinabing wala raw siyang nakikitang masama sa kanyang pangangatawan ngayon.

Panimula niya, “To those sending comments about my body, I am at my healthiest. I know I cannot please all of you, but I don’t see anything wrong with my body.”

Masaya raw siya sa naging resulta ng kanyang pagpapayat. Wala daw siyang sakit na iniinda ngayon. Maayos at malusog ang kanyang pangangatawan kaya walang dapat na ikabahala ang kanyang mga tagasuporta.

“Sa mga hindi natutuwa, pasensiya na po. I’m really happy where I am physically. And I hope to inspire more people to choose a healthier lifestyle. Love and light!!” saad pa niya.

Camille Prats in great shape after three kids | PEP.ph
Photo Source: Pep.ph

Kasabay daw ng workout nilang mag-asawa ay ang pagdi-diet din nila. Kontrolado lang daw ang kanilang mga kinakain kaya naman naging mas mabilis ang pagbabawas nila ng timbang.

Iniwasan din nilang kumain ng pork and beef at puro gulay, isda, at manok lang muna ang kinain.

Sa ngayon ay naaabot na raw ni Camille Prats ang ideal weight para sa kanyang height.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!