CIARA SOTTO, HIWALAY NA SA FIL-AM BOYFRIEND

“Nope. Sorry, I’m single now.”

Ito ang naging sagot ng singer-actress na si Ciara Sotto sa isang tanong ng netizen sa kanyang question and answer vlog na inilabas kamakailan lamang sa kanyang YouTube channel.

Ciara Sotto admits breakup with Ian Austin | PEP.ph
Photo Source: Pep

Maraming netizen ang nakapansin na tila hindi na nagpo-post si Ciara ng mga larawan at bidyo nilang magkasama ng dating nobyo na si Ian Austin.

Sa nasabing vlog tuluyang kinumpirma ni Ciara na hindi pa raw siya magpapakasal ‘anytime soon’ dahil hiwalay na sila ni Ian.

Nakangiti niyang saad, “That answers the question too why I don’t have plans of getting married. Because I’m single again.”

“End of conversation,” pahabol pa nito.

Hindi nito sinabi kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ngunit sinabi niyang sadyang may mga bagay lang daw talagang bigla na lamang nasisira at hindi na nagwo-work kahit anong ayos pa ang gawin.

Ani Ciara Sotto, “Sometimes things don’t work out and, yeah, I’m single again.

For Dawn, family comes first | Philstar.com
Photo Source: Philippine Star

“I just feel that when something has to end, just end it, especially when you have peace in your heart.”

Sa ngayon ay nagtitiwala lang daw siya sa Panginoon para sa mga bagay na maaari pa nitong magawa sa kanyang buhay.

“And when things are not working anymore, you just have to let things go and wait for God to surprise you again,” anito.

Mahigit dalawang taon ang itinagal ng relasyon nina Ciara at Ian. sa isang panayam ay inamin ni Ciara na ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang magdesisyon silang tapusin ang kanilang relasyon.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!