CINDY MIRANDA, ITINANGGING THIRD PARTY SA HIWALAYANG ALJUR AT KYLIE

Mariing pinabulaanan ng aktres na si Cindy Miranda ang mga akusasyon sa kanya ng netizens na ‘di umano, siya ang tinutukoy na third party sa hiwalayan ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Cindy Miranda - IMDb
Photo Source: IMDb

July 7, 2021 nang kumpirmahin ng ama ni Kylie na si Robin Padilla sa isang panayam na tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa. Ayon sa kanya, si Kylie raw ang nakipaghiwalay kay Aljur dahil mayroong third party.

Kwento ni Robin, “Noon pa lagi kong tinatanong si Kylie, ‘Agrabyado ka ba? Hindi naman daw.

“Eto, tinanong ko uli, ‘Anak, agrabyado ka ba?’ ‘Hindi, Pa, ako ang nakipaghiwalay, e.'”

Nang tanungin niya raw ang kanyang anak kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila ay tahasan daw nitong sinabi na mayroon ngang third party.

Lahad pa ng aktor, “Meron daw, e. E, imposible ba yun? Hindi naman imposible yun. E, lalaki ‘yan.”

Dahil sa kontorbersiyal na pahayag ng aktor, hindi napigilan ng publiko na mag-isip kung sino ang maaaring maging babae ni Aljur.

Nang makumpirma ang hiwalayan ng dalawa, agad na nadawit ang pangalan ni Cindy Miranda dahil si Aljur ang leading man niya sa pelikulang¬†Nerisa. May mga nagsasabi na ‘di umano ay nagka-developan ang dalawa habang sila ay nasa lock-in taping.

Agad naman na tinuldukan ni Cindy ang mga bintang sa kanya at sinabing wala siyang kinalaman sa hiwalayan ng dalawa. Bukod sa trabaho, wala na raw ibang namamagitan sa kanila ng aktor.

Cindy Miranda denies being the 'third party' behind Kylie Padilla-Aljur  Abrenica split | GMA News Online
Photo Source: GMA Network

Saad ni Cindy Miranda, “Yes. Very professional. I’m not the third party, thanks.”

Sa ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Aljur sa isyung kinakasangkutan ngunit si Kylie Padilla ay naglabas na ng kanyang pahayag. Hiling nito ay respeto para sa kanilang pamilya.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!