GENEVA CRUZ, MAY BWELTA SA TUMAWAG SA KANYANG “PAKAWALA”

“Pakawala” at “laos.”

Ito ang natanggap na komento ng singer-actress na si Geneva Cruz matapos siyang mag post ng kanyang bikini photos sa kanyang social media accounts.

Geneva Cruz on dressing up, posting photos of herself: 'I dress up for me  and me alone' | Inquirer Entertainment
Photo source: Inquirer.net

Hangarin ng nasabing post na maintindihan ng publiko na walang perpektong katawan lalo na kung nanganak na ang isang babae. Nais niyang ipabatid sa lahat na normal lamang ang bagay na ito at hindi dapat ginagamit para mangutya ng ibang tao.

Aniya, “People should stop looking at bodies as just representations of sex and being dirty; look at it on a deeper scale.

“I love and respect my body not only because I’m happy with mine, but because of its strength and uniqueness.”

Bagamat maganda ang hangarin ng nasabing post, may isang lalaking malakas ang loob at bastos na nagkomento sa post ng aktres. Sinabi nitong laos na raw si Geneva at isang pakawala na babae.

Agad naman na rumesbak si Geneva at sinupalpal ang kanyang basher.

Ayaw daw sana niyang patulan at i-expose ito pero dahil tila lumagpas siya sa linya, karapatan daw ng aktres na ipagtanggol ang kanyang sarili.

Bwelta nito, “I want everyone to know that we have the right not to be bullied because no one deserves that.

“NOBODY DESERVES TO BE BELITTLED BY PEOPLE who feel badly about themselves that they have to also drag us down with them by insulting us.”

All Of Geneva Cruz's Sexy Swimsuit Ootds In Boracay
Photo Source: Preview.ph

Hindi raw lahat ng nagsusuot ng bikini ay “pakawala.” Mga ignoranteng tao at makikitid na utak lang daw ang mag-iispin ng ganito.

Bukod pa roon, pinagdiinan din ni Geneva Cruz na hindi porket public figure sila ay may karapatan na ang kahit sino na malaitin at hamakin ang kanilang pagkatao.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!