ISKO MORENO, BET MAKATRABAHO SINA ANNE AT BEA

Muling masisilayan ng publiko ang talento sa pag-arte ni Manila Mayor Isko Moreno matapos siyang pangalanan na bibida sa sa upcoming biographical film tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio.

Isko Moreno's road to mayoralty
Photo Source: CNN Philippines

Ang nasabing pelikula ang magsisilbing comeback project ng actor-politician matapos ang mahabang panahon na namahinga sa showbiz industry.

Aminado si Mayor Isko na talagang na-miss niya ang mundo ng showbiz at ang pag-arte dahil matagal rin niya itong naging trabaho bago pasukin ang politika. Isa raw sa nami-miss niya rito ay ang bonggang talent fee kahit na hindi ganoon kahirap ang trabaho.

“Of course. Nakaka-miss ‘yun. Kasi ang showbiz yayangga ka lang sa bita tapos you get paid to wait,” lahad niya.

Dagdag pa niya, “Calltime ko alas-nuebe, makukuhanan ka ala-sais ng hapon pero you get paid for the day. Oh ‘di ba masarap na trabaho ‘yun?”

Ibinahagi rin ng alkade ng Maynila na bet na bet niyang makatrabaho sina Anne Curtis at Bea Alonzo. Kung siya raw ang paipiliin kung sino ang gusto niyang makapareha, ang mga ito ang kanyang pipilliin. Matagal na raw niyang pangarap na makaeksena ang mga ito o makasama sa isang proyekto.

Anne, Angel, Bea join calls to #JunkTerrorBill | ABS-CBN News
Photo Source: ABS-CBN News

Ani Mayor Isko Moreno, “Ngayon? Kaya lang may asawa na, eh. ‘Yung sa Showtime — Anne Curtis. Saka si Bea Alonzo.” 

Sa ngayon ay masaya at nagpapasalamat daw siya na siya ang napili para bumida sa napakagandang pelikula na ito tungkol sa bayaning si Andres Bonifacio. Noon pa raw ay hangang hanga na siya sa kabutihan at katapangan na ipinamalas nito para sa ating bansa.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!