IVANA ALAWI, NAGHIRAP MUNA BAGO NAGTAGUMPAY SA BUHAY

“Dumating din yung time na wala akong naging raket kasi pangit ako.”

Ito ang ibinahagi ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi sa kanyang vlog na in-upload sa kanyang YouTube channel kamakailan lamang.

Everything You Need To Know About Ivana Alawi - Viral Buzz Makers
Photo Source: Abs-cbn

Ayon sa aktres, kagaya ng marami, dumaan din siya sa hirap bago tuluyang nagtagumpay sa buhay. Hindi raw biro ang mga pagsubok na kinaharap niya bago siya makarating sa kung nasaan man siya ngayon.

Sa murang edad, alam na raw ni Ivana ang mga responsibilidad niya bilang bread winner ng kanilang pamilya. Mula nang hindi raw sila suportahan ng kanilang ama ay siya na ang sumuporta sa kanilang pamilya. Kung anu-anong raket daw ang ginawa niya para lang kumita.

“Nu’ng nawala yung aming tatay, nu’ng hindi kami sinusuportahan, nagpa-flyering ako, nagraraket para makatulong din sa pamilya.

“Dumating din yung time na wala akong naging raket kasi pangit ako,” pagkukwento ng aktres.

May mga pagkakataon daw noon na hindi siya pumapasa sa mga audition dahil hindi naman siya kagandahan. Mabuti nalang daw dahil kahit paano ay nakatulong din ang kapatid na si Mona sa kanila noong naging artista din ito.

Sobrang hirap din daw ng buhay na mayroon sila noon. May mga pagkakataon na nangungutang lang sila upang makakain sa isang araw.

Ivana Alawi reaches 10 million subscribers on YouTube – Manila Bulletin
Photo Source: Manila Bulletin

Ani Ivana Alawi, “Akala ng iba hindi ako dumaan sa hirap, hindi ako dumaan sa times na wala kaming makain.

“Dumaan din ako du’n way, way back, pagdating ko sa Pilipinas. Yung mama ko laging nangungutang kasi wala kami makain.”

Gayunpaman, thankful pa rin naman si Ivana sa karanasan niyang iyon dahil isa yun sa mga ginawa niyang motibasyon upang patuloy na mangarap.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!