IZA CALZADO, STILL A LOYAL KAPAMILYA

“I’m very proud to be still a Kapamilya.”

Ito ang mga katagang binitawan ng Kapamilya actress na si Iza Calzado nang matanong kung mayroon ba siyang plano na iwan ang Kapamilya netowrk at sumakabilang bakod.

Iza Calzado Remains a Kapamilya, Gears Up for 'Etiquette for Mistresses' ⋆  Starmometer
Photo Source: Starmometer

Nanindigan ang aktres na hinding hindi raw siya lilipat ng istasyon lalo na ngayon may malaking pagsubok na kinakahrap ang kanilang tahanan.

Naniniwala raw siya na dito siya inilagay ng Panginoon at hindi na niya kailangan ng pagbabago pa sa kanyang buhay ngayon lalo na sa kanyang karera. Maayos naman daw ang kalagayan niya sa ABS-CBN kaya walang dahilan para lumipat.

Aniya, “You know, at this particular point in my life, I’m not looking for change. I’m not looking to shake things up in my life.

“I am at peace where I’m at. And in terms of growth, I’m getting it not only from the projects that ABS-CBN is giving me, but from other facets of my life.”

Naniniwala daw siya na minsan ang pagkakataong ito ang sukatan ng loyalty. Ngayong humaharap sa pagsubok ang Kapamilya network, gusto niya raw lumaban para dito.

Katwiran ni Iza Calzado, “And just seeing it… ahhm, sometimes, you just wanna be there for people especially when times are tough.

Iza Calzado marks 15th year in showbiz – Manila Bulletin
Photo Source: Manila Bulletin

“Kasi, doon nagkakaroon ng sukatan, di ba, minsan? So, para sa akin lang, this is where God put me and my intuition says… stay here.”

Hindi naman daw pare-parehas ang mga tao pero para sa kanya, ito ang isa sa mga pagkakataon para maibalik niya ang mga bagay na nagawa ng ABS-CBN para sa kanya.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!