JACLYN JOSE, MAY SAGOT SA ‘BASURA’ REMARK NI ANDOY RANAY

Tila hindi nagustuhan ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose ang kanyang nabasang komento mula sa isang malapit na kaibigan at direktor na si Andoy Ranay tungkol sa mga istasyon na mayroong prangkisa ngunit tila “basura” ang mga programang inilalabas.

Jaclyn Jose: Yes, I was once the other woman!
Photo Source: Yahoo Lifestyle Singapore

Kamakailan lamang nang ma-interview ang nasabing direktor at hingian ito ng pahayag patungkol sa kawalan ng prangkisa ng Kapamilya network at tila naging kontrobersiyal ang kanyang mga binitawang salita.

“’Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman yung trabaho – wow! Grabe,” pahayag ni Direk Andoy.

Matapos nito ay mayroong makahulugang post si Jaclyn sa kanyang Instagram at sinasabing patutsada raw ito ng aktres sa pahayag ng direktor.

Kalakip ng larawan ay ang quote na, “I don’t fear the enemy who may attack me, I fear the fake friend who will still hug me.”

Sa caption naman iginiit ng aktres na “hindi basura” ang kanilang proyekto na pinaghirapan. Dugo at pawis daw ang iniaalay ng mga taong nagtatrabaho sa likod ng camera kaya naman hindi raw makatarungan na tawaging basura ang kanilang trabaho.

“Pinag-iisipan ng lahat kung ano ba ibibigay per sequence, lahat nagtatrabaho, walang hanggang trabaho. Lahat ginawa ko, pinagtrabahuhan ko, pinag-iisipan ko, kahit ano pagod ginagawa namin makapagbigay ng magandang programa na hindi (BASURA),” giit pa ni Jaclyn Jose.

Andoy Ranay
Photo Source: IMDb

Lahat daw sila mula artista hanggang sa staff ay nagsasakripisyo at nagpapakahirap para makagawa ng magandang programa kaya ikinalulungkot niya na may mga taong basura ang tingin sa kanila.

“Pinaghihirapan po namin ang lahat ng lumalabas..hindi po kami (Basura),” dagdag pa ng aktres.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!