JAKE ZYRUS, IBINAHAGI ANG ‘DARK MOMENTS’ NG KANYANG BUHAY

Tahasang inamin ng singer na si Jake Zyrus na ang pag-amin sa kanyang sexual orientation ang isa sa maituturing niyang “dark moments” ng kanyang buhay.

Ayon sa kanya, limang taong gulang pa lang siya ay nararamdaman na niyang mayroong kakaiba sa kanyang ikinikilos. Sa murang pag-iisip mayroon na raw siyang agam-agam sa kanyang kasarian.

Glee' Star Charice Pempengco Changes Name to Jake Zyrus, Says He's  'Overwhelmed' By Fans' Support | Entertainment Tonight
Photo Source: Entertainment Tonight

Mas lalo raw lumala ang nararamdaman niyang ito nang tumuntong sa siya pagiging teenager at dito nga niya napatunayan at nakumpirma na lalaki ang tingin niya sa kanyang sarili.

Noong mga panahon na iyon ay kasagsagan ng kanyang international singing career kaya naman mas lalo pa itong nakadagdag sa takot at pressure na kanyang nararamdaman. Nagpatong-patong raw ang lahat ng problemang ito at nauwi sa depresyon.

Kwento ni Jake, “I tried to kill myself three times. I was 18 or 19 at the time. Because nasa isip ko, kapag nag-come out ako, it’s over.”

Natakot daw siya noon na baka hindi siya tanggapin ng publiko at tuluyan nang mawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

Lahad pa niya, “I didn’t want to disappoint people. I didn’t want to disappoint David. I didn’t want to disappoint my mother.”

Ilang beses daw niyang pinagtangkaang tapusin ang kanyang buhay noon pero tila hindi ito hinahayaan ng Panginoon. Gayunpaman, sa huli, ang Diyos lang din ang nakatulong sa kanya para malagpasan ang pagsubok na ito.

Documentary on Jake Zyrus Wins Gold in US International Film & Video  Festival ⋆ Starmometer
Photo source: Starmometer

Kwneto pa ni Jake Zyrus, “I think ang talagang nag-fix ng lahat was the love from God. When I experienced all those struggles, I became closer to God.

“I feel, like, God told me that you can’t let anybody stop you or not give you any access to me.”

Bagamat hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi nakakaintindi sa kanya, hiling lang niya na maging mabait ang ito sa kanya.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!