JANUS DEL PRADO, IPINAGTANGGOL SI BEA ALONZO SA MGA KRITIKO

Muli na namang ipinangtanggol ng aktor na si Janus del Prado ang matalik na kaibigang si Bea Alonzo sa mga taong nangbabatikos at pumupuna sa naging desisyon nito na lumipat sa GMA network.

Bea Alonzo finds new home in GMA Network – Manila Bulletin
Photo Source: Manila Bulletin

Marami ang nadismaya, nalungkot, at nagalit sa ginawang ito ng aktres dahil bukod sa may problemang kinakaharap ngayon ang home network niyang ABS-CBN, mayroon din itong proyekto na iniwanan.

May iilan na nagsabing wala raw utang na loob ang aktres sa kompanya na nagbigay sa kanya ng magandang karera at bastos daw ito dahil sa pag-iwan sa kanyang teleserye na nasimulan nang i-shoot.

Makakasama sana ng aktres sina Richard Gutierrez at Rafael Rosell sa nasabing teleserye ngunit nagback-out ang aktres kahit nakunan na ang ibang eksena. Sinabi raw nito na hindi pa siya handang magtrabaho dahil sa pandemyang nangyayari sa bansa.

Isang direktor ng ABS-CBN na si Erick Salud ang naglabas ng kanyang pahayag.

Ani niya, “So ayun nga. Lumipat nga ang isang aktres. Bakit kaya?

“Eh may project siya na nasimulan at na promote na prior pandemic.

“[Tapos] say niya, di pa siya ready mag shooting. Ayun pala lilipat.

“AAAARTE!!! Naghihirap ba siya?

“Eh may big farm nga. Kaloka siya!!!”

Agad naman na rumesbak ang kaibigan ng aktres na si Janus Del Prado para sa kanya at binanatan ang direktor. Ayon sa aktor, kailangan daw nilang magtrabaho kaya sana ay tigilan na ang panggi-guilt trip sa mga lumipat.

Janus del Prado - IMDb
Photo Source: IMDb

Saad niya, “PS: Ano kinalaman nung Farm niya sa paglipat niya? Regalo mo ba sa kanya yun Direk?

“Kailangan niya rin bang tanawin na utang na loob yun? Pinagpuyatan, pinaghirapan at pinag-ipunan niya yun.

“Kung manunumbat make sure may karapatan manumbat. Kala mo naman malaki naitulong mo sa career niya.”

Pinaghirapan daw ng lahat ng artista ang mga bagay na mayroon sila ngayon kaya walang utang na loob na dapat tanawin.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!