JAYA, TULUYAN NANG NAGPAALAM SA PHILIPPINE SHOWBIZ

“No goodbyes, just see you soon!”

Ito ang huling mensaheng iniwan ng Soul Diva na si Jaya bago tuluyang lumipad patungong Estados Unidos at tuluyan nang lisanin ang Philippine showbiz.

Jaya opens up about being “most bashed” Tawag Ng Tanghalan hurado | PEP.ph
Photo Source: Pep.ph

Kamakailan nga lamang nang mangyari ang kanyang pamamaalam sa noontime show na It’s Showtime kung saan siya unang tinanggap mula nang magpasyang lumipat sa ABS-CBN.

Ayon sa singer, hindi raw madali ang desisyon na ito sa kanya ngunit kailangan niyang gawin dahil sa dami na rin ng pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya mula nang magkaroon ng pandemya.

Emosyonal niyang saad, “For me, I am going to leave with a heavy heart.

“But I am happy because I’ve had the honor and privilege to work with very excellent hosts that truly accepted me and loved me.”

Gayunpaman, malaki pa rin daw ang pasasalamat niya sa Panginoon at sa lahat ng taong nakasalamuha niya sa loob ng ilang taon niya sa showbiz industry.

Aniya, “Ako, nagpapasalamat sa Panginoon dito niya ako dinala. Kita mo, hindi siya nagsara, di ba? So, Lord, thank you for this opportunity to still be standing up in the midst of all my trials, ilang taon din iyon.”

Bagamat magiging malayo siya sa mga taong itinuring niyang pamilya, mananatili naman ang kanyang puso sa ABS-CBN at sa bansa.

Jaya, humagulgol ng iyak nang magpaalam sa Showtime - METRO HEADLINES
Photo Source: Metro Headlines

Sa ngayon, dalangin daw ng singer na muling makabangon ang ABS-CBN mula sa pagsubok na pingadaraanan nito. Hiling pa niya na kapag nangyari iyon ay mabigyan pa siya ng pagkakataon na makabalik sa istasyon.

“I pray that when this station opens up, pagbalik ko again, sana tanggapin pa rin niyo ako.

“Sa lahat ng Kapamilya, maraming salamat for the honor and privilege,” pahabol pa nito.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!