JESSY MENDIOLA, AMINADONG LAOS NA SIYA

“In a way, medyo totoo naman din.”

Ito ang naging sagot ng aktres na si Jessy Mendiola sa mga netizens na nagsasabing laos na siya at nawala na ang kinang sa showbiz indsutry.

Pin on Filipina celebrity crushes
Photo Source: Pinterest

Sa isang vlog na in-upload ng aktres, sinagot niya ang ilang “maiinit” na katanungan mula sa publiko. Isa nga sa mga tanong na kanyang na-encounter ay kung ano ang kanyang nararamdaman sa tuwing tiatawag siyang “laos.”

Hindi naman ito itinanggi ng aktres at medyo sumang-ayon pa nga dahil hindi naman na raw talaga siya active ngayon sa pag-aartista. Kahit naman daw noon ay hindi siya super sikat kaya hindi na siya naaapektuhan ng mga ganitong klaseng komento.

Aniya, “Hindi ko naman din nakikita ko ‘yung sarili ko as super sikat, ‘yung superstar or whatever.

“I don’t feel hurt or anything. In a way, medyo totoo naman din na hindi na rin talaga ako super active,” bwelta pa niya.

Tanggap na raw niya ang bagay na ito at hindi rin naman lingid sa kanyang kaalaman na maraing taong may ayaw sa kanya kaya hindi na bago ang mga negative comments.

Nagpapasalamat nalang daw siya ngayon dahil kahit papaano naman ay nasa showbiz industry pa rin siya.

Ani Jessy Mendiola, “Wala rin naman talaga ako magagawa. But I’m just really thankful na kumbaga na sa circulation pa ako ng showbiz.”

Is Jessy Mendiola showing off her wedding ring? – Manila Bulletin
Photo Source: manila bulletin

Mas active na raw siya ngayon sa vlogging kaya naman natutuwa siya sa tuwing may mga nagsasabi na mas nakilala siya ng publiko sa YouTube.

Sa ngayon ay kasalukuyang napapanood ang aktres sa Kapuso network.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!